Elan Ivory Glow CEO na si Dr. Nathalie Ordanza, proud sa kanyang  skincare brand

Dr Nathalie Ordanza ELAN Ivory Glow Tonz Are

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG Elan Ivory Glow ay isang lumalago at award-winning skincare brand na pagmamay-ari ng babaeng may malasakit sa skin concern ng mga consumer. Nakatuon ito sa pagsasama-sama ng makabuluhang pagbuo ng produkto, maingat na piniling mga sangkap, at cosmetic science.

Ang CEO nitong si Nathalie Ordanza, DHA, PhD, ay itinatag ang kompanya na layuning gawing accessible at simple ang de-kalidad na skincare. Sa gabay ng pilosopiyang “Less Products, More Purpose,” idinevelop ng Elan ang mga multifunctional skincare products para sa mga kababaihan at kalalakihan, mula sa mga teenagers hanggang sa seniors.

Itinatag ang Elan sa paniniwala na ang skincare ay dapat ginagabayan ng siyensya at ng tunay na pangangailangan ng mamimili, sa halip na mga short-lived trends. Ang background ng founder sa healthcare, education, at leadership, ay humuhubog sa thoughtful approach para sa formulation at consumer education.

Nagsisimula sa isang layunin ang bawat produkto: tukuyin ang totoong problema sa balat, suriin ang bisa at gamit ng mga sangkap o ingredients, at bumuo ng isang praktikal na solusyon.

Inusisa namin kung paano nagsimula ang kanyang skin care business?

Kuwento ni Dr. Nathalie, “Ang idea came first po noong 2016, noong umalis po kasi ako ng Pilipinas ay wala pang gaanong whitening products

“When I get back noong 2016, after 18 years, nakita ko how saturated iyong market ng whitening products. But then, as a person with Polymorphous Light Eruption (PLE) which means, kapag nae-expose po ako sa araw ay nagkaka-blisters po ako, and wala po akong makitang products na tutulong sa akin, so, I saw that gap.

“Marami ngang whitening products sa market, but I realized, ‘How about the real skin concern po ng mga tao?’ So, roon po nag-umpisa iyong idea na, ‘You know what? One day I will tap into that and make sure na hindi ako mamomroblema or iyong mga tao sa pangangailangan nila na maghanap ng mga products na mag-a-address sa kanilang skin concerns, beyond the whitening part.’

“Gusto ko na pag-aralan muna ito kaya inabot ng 10 years bago ko nagawa ito. I took my  Masteral in Health Care Administration and I took my doctorate. So, I took two doctoral degree, one in Health Care Administration and one in Doctor of Philosophy. I also took Female Hormonal Profile at isa pang diploma.”

Tiniyak din niyang epektibo at safe ang kanilang products. Aniya, ” So, pinag-aralan ko muna po talaga siya bago ako pumasok dito at hindi lang po iyong pagre-ready for financial and emotionally ready, I have to be knowledgeable rin po sa mga products namin at sa business na ito.

“Very hands-on po ako sa mga product na ito and as a health care professional po, talagang sinisiguro ko na safe ang products ko for any skin types, any gender, any age… kaya I’m really hands-on po.”   

Nabanggit din niyang reasonably priced ang kanyang mga skin care products, kaya magaan sa bulsa ng mga consumer.

Ang ilan sa mga influencer na present sa naturang launching ay sina Micha Mallari, Prince Rae Dantes, Angelia Trinidad, Kevin Tadioque, Celso Llander Are, at ang aktor/direktor na si Tonz Llander Are, na nagsilbing host ng event.

Sino naman kaya ang gusto niyang celebrity endorsers, kung sakali?

Tugon ng businesswoman na nakabase sa Amerika, “I would love to have Marian Rivera, pero Diyos ko, ayaw ko nang i-wish si Marian Rivera. Wish ko? O my God! Isipin nyo kung makuha ko sina Dawn Zueleta at Alice Dixson! Kasama rin sina Sue Ramirez at Kathryn Bernardo, even si Lorna Tolentino.

“Hindi ko po talaga nakikita iyong skin nila, pero may mga morena… si Alice Dixson is whiter… same with Sue at ang nakikita ko naman sa kanya, may mga blemishes, normal naman po yun sa mga whiter ladies na magkaroon ng sun spots.

“So, iyong mga tipo nila… like Kathryn, yes definitely po, naniniwala ako na bagay sila sa products namin. Kasi po, hindi sana maging mentality ng mga Filipino, kasi tayo po ay sanay sa whitening, e. Gusto ko po sanang ipakita na hindi lang tayo magiging beautiful dahil lighter ang skin natin, but we are aiming for a renewed skin health. Iyon po talaga ang aim ng ating brand,” nakangiting sambit pa ni Dr. Nathalie.

Ang Elan Ivory Glow products ay available sa lahat ng branches ng

Watson’s, nationwide, pati na sa Watson’s Singapore.