I-FLEX
ni Jun Nardo
ANG Sparkle artist na si David Licauco ang bagong lalaki ng Viva artist na si Ashtine Olviga!
Isang big reveal ang naganap noong Lunes para sa bagong Viva One series na PH adaptation ng Korean’s belove series na Fight For My Way.
Ang Pinoy cast ng series ay sina Ashtine, David, Aubrey Caraan, at McCoy de Leon. Si Crisanto Aquino ang director.
Bibigyan ng bagog Filipino interpretation ang kuwentong minahal ng manonood sa buong mundo.
Eh aprubado sa fans ni Ashtine na si David ang bagong kapareha ng idolo after Andres Muhlach.
Sa November 20 ang release date ng Fight For My Way sa Viva One.
