MATABIL
ni John Fontanilla
INAMIN ni McCoy de Leon na hindi niya napanood ang Korean series na Fight for my Way pero nagsimula na siyang panoorin ito at patapos na.
Aniya, gandang-ganda siya sa istorya nito.
Kasama si McCoy sa Philippine adaptation ng Flight for my Way na hatid ng Viva One katambal si Aubrey Caraan.
Ayon kay McCoy, “Nanonood po ako ng K-drama, pero ito lang ‘yung di ko napanood talaga. Hindi ko alam kung bakit, ang ganda-ganda pala.”
Dagdag pa nito, “For me sobrang gaang ng kuwento, may puso, alam niyo ‘yun, may friendship, nandoon lahat, kaya ngayon pinanonood ko po, patapos na po ako.”
Ibinahagi rin nito kung ano ang puwede nilang gawin ni Aubrey para mas maging effective ang kanilang tandem sa series.
“Pinili po kami ng Viva, I think nakita siguro ‘yung capabilities namin to do our job.
“Kahit na anything na hindi naman na need, siguro mas take ko rin kung anong plano namin, trust namin sa isa’t isa,’di pa naman kami talaga nakapag-work ng matagal.
“Pero when you trust your co-worker or cast or your co-actors doon naman nadadale ‘yun, declaration, importante naman for us mabigyang justice po namin ‘yung character.
“’Yung ‘Fight for my Way,’ sa mga hindi po nakaaalam is about sa career, fighting for a career sa magkakaibigan.
“And siguro naging ganoon na lang talaga, bonus na lang ‘yung love na part, kaya sa amin doon kami naka-focus.”
Inaral nila ang kani-kanilang character para magampanan ng buong husay ang kanilang role sa series.
“Inaral namin ‘yung mga character namin para rin ‘di lang kilig ang maibigay namin kung hindi ‘yung maka-relate ‘yung mga tao sa kung ano kaming klaseng tao sa series.”
Makakasama nina McCoy at Aubrey sa kauna-unahang Korean series ng Viva One sina David Licauco at Ashtine Olviga, sa direksiyon ni Crisanto B. Aquino. Mapapanood na sa Nov.20 sa Viva One.
