I-FLEX
ni Jun Nardo
GAGAWIN sa Maynila ang 3X3 basketball tournament ng aktor na si Gerald Anderson.
Wala namang naging problema kay Manila Mayor Isko Moreno ang project na ito ni Gerald na napiling sa Maynila gawin.
Agad na hahanapan at isasayos ang lugar na pagdarausan ng torneo.
Katulong sa proyekto ang Department of Tourism, Culture and Arts of Manila sa pangunguna ni Director Cristal Bagatsing at Manila Sports Council headed by Director Dale Evagelista para sa programa.
Buong puso namang nagpasalamat si Gerald kay Mayor Isko sa malugod na pagtanggap sa proyekto at suporta sa kanyang 3X3 basketball tournament.
