San Juan City, walk-through metal detector ilalagay sa mga paaralan

San Juan Police PNP

MAG-IINSTILA ng walk-through metal detector at karagdagang handheld metal detector sa mga pampublikong paaralan sa San Juan City bilang bahagi ng pagpapalakas ng seguridad, ayon kay Mayor Francis Zamora nitong Linggo.

Sinabi ni Zamora, inaprobahan na ng Local School Board (LSB) ang resolusyong nagbibigay-daan sa paglalaan ng pondo para sa pagbili ng mga kagamitan.

Layunin nitong mapalakas ang screening at pagbabantay sa mga taong pumapasok sa mga paaralan.

Noong Agosto, inihayag ng Department of Education (DepEd) ang plano nitong magbigay ng metal detectors sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa dahil sa mga ulat na may mga mag-aaral na nagdadala ng mapanganib na armas sa loob ng paaralan.

Kasunod ito ng mga naitalang insidente ng karahasan sa mga paaralan, kabilang ang pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City at ang insidente sa Zamboanga City na dalawang estudyante ang namatay at nagpakamatay ang suspek.