Alden at Donny sabay nag-bike, netizens natuwa

Alden Richards Donny Pangilinan

MATABIL
ni John Fontanilla

IKINATUWA ng netizens ang pagsasama at maituturing na bonding moments nina Alden Richards at Donny Pangilinan na sabay na nagbisikleta.

Nagbahagi sina Alden at Donny ng mga larawan at video sa kani-kanilang social media  ng kanilang bonding habang nagbibisikleta noong weekend.

Nakasama rin nina Alden at Donny sa pagbibisikleta ang mga Kapuso actor na sina Jon Lucas at Kristoffer Martin.

Marami ngang netizens ang umaasa na makakasama si Donny sa bike fun ride ni Alden sa Nobyembre 7, na dadaan sa mga makasaysayang lansangan ng Maynila. 

Hirit pa ng mga netizens na sana magkasama ang dalawa sa mga susunod nilang proyekto, TV man o pelikula.