Aiko at Marian gustong gawan ng pelikula ni Bambbi Fuentes

Mantsa Marian Rivera Aiko Melendez

MATABIL
ni John Fontanilla

BUKOD NGA sa nalalapit na pagpapalabas ng psychological thriller film, Mantsana pinagbibidahab nina Ms. Pilar Pilapil, Gelli De Belen, Khai Flores, at Shira Tweg ay may mga naka-line-up na ang Dragons Talent and Management Productions nina Bambbi Fuentes at Tine Areola na susunod na pelikula.

Ayon nga kay Bambbi, “Mayroon kaming movie na gagawin sana matuloy, pero sana kumita kami para more movies to come.”

Pero this time ay hindi advocacy film ang susunod nilang pelikula.

No not necessarily, nagkakataon lang ‘yan, iba naman,” anangrenowned Filipino celebrity hair and makeup artist (HMUA), salon owner, talent manager, at film producer.

Ipinaliwanag din ni Bambbi kung bakit dalawang magkasunod na pelikula nito ay may temang advocacy, una ang Sugat sa Dugo at ngayon ang Mantsa na ipalalabas sa October 7.

Oo nga noh, hindi naman natataon, nagiging advocacy queen ako, not necessarily pero roon papunta. 

“Oo nga hindi naman sadya ‘yun, hopefully next time love story ‘di ba?”

Natong din ito kung ano ang mas mahirap, ang mag-produce ba o magpaganda kay Kris Aquino?

“Mas mahirap mag-produce, wala naman kahirap-hirap make-up-an si Kris Aquino.”

Ibinahagi rin ni Bambbi kung bakit mula sa negosyong salon ay pinasok na rin nito ang pagpo-produce ng pelikula.

Eh ‘di ba sarado ‘yung salon ng dalawang taon (during pandemic) technically almost two and a half years.

“I was stock in the room, ‘yun that long, I don’t have to be stagnant, I have to be productive, because I was born to be productive.

So, ginawa ko ‘yung unang movie Sugat sa Dugo, which is H.I.V. advocacy film, ang dami kong nabuong story.

“Hopefully sana mabuo, marami pa akong magagandang movie. Mayroon pang pang-high school—malalalim, pera lang ang kailangan.”

Marami itong artista na gusto niyang gawan ng pelikula kasama ang kanyang Dragon Babies, pero dalawa sa naiisip niya ang kanyang mga kaibigang sina Aiko Melendez at Marian Rivera.

Naku marami, siyempre unahin ko muna ‘yung mga Dragon Babies ‘di ba, para sumikat sila.

“Mga kaibigan ko si Aiko, mga naging alaga ko si Marian, why not ‘di ba, kung may magandang, magandang project ‘di ba.”

At hindi rin ito naniniwala na patay na ang showbiz industry. Aniya tama at magandang proyekto lang ang kailangan para panoorin ng mga tao.

Katulad ng sinabi ko kanina na I don’t believe na showbiz industry is dying.

“You just have to give them a good content, give them good product.

“At kapag nai-word of mouth ‘yan, and soon, before you know it marami ang manonood.

“’Wag lang mawalan ng pag-asa, kasi ‘yung iba hindi pa nga nangyayari nega na eh.

“Parang in life you have to be positive, para magnenegosyo ka, umpisahan mo pa lang parang ay magpa-flop ‘yan, bakit mo pa uumpisahan ‘di ba.”

Ilan pa sa kasama sa pelikulang Mantsa sina Lloyd Samartino, Dino Guevarra, Ms. Miles Poblete, Than Perez, RJ Ariar, Jass Dela Torre, Milli Marzo, Ghia Garcia, Bo Bautista, LA Santos, Raine Barretto. With special participation of Ms. Snooky Serna and Ms. Janice De Belen.

Directed by Louie Ignacio and produced by Dragon Entertainment Productions nina Bambbi Fuentes at Tine Areola. Opens October 7 in cinemas nationwide.