Sylvia Sanchez Im Perfect Krystel Go Earl Go

MATABIL
ni John Fontanilla

MADAMDAMIN at punompuno ng pagmamahal ang mensaheng ipinost ng awardwinning actress na si Sylvia Sanchez sa kanyang Facebook para sa kaarawan ng kanyang alagang si Kyrstel  Go.

Post ni Sylvia, “Napakagandang regalo sa birthday mo, Nak Krystel, ang Best Actress nomination mo sa Gawad Urian. ❤️

“Alam ko kung gaano ka nagsikap para makarating dito. Nakita ko kung paano mo ibinigay ang puso mo sa bawat eksena, kung paano ka natutong maniwala sa sarili mo, at kung paano mo hinarap ang bawat hamon nang hindi sumusuko.

“Kaya sobrang proud ako sa’yo. Hindi lang dahil nominado ka, kundi dahil nakita kong pinatunayan mo sa sarili mo na kaya mo. Kaya mong makipagsabayan sa pinakamagagaling. Kaya mong ipakita na ang talento mo ay karapat-dapat makita, marinig, at kilalanin.

“Deserve na deserve mo ito, Nak. And as someone who has been blessed to witness your journey, this nomination makes me incredibly proud to call you my Best Actress.

“Congratulations, Krystel, and happiest birthday! ❤️🏆

“Keep dreaming, Nak. I’ll always be proud of how far you’ve come and even more excited for how far you will go.

“Love you 😘😘😘.”

Nominado si Krystel for Best Actress sa 49th Gawad Urian para sa napakahusay nitong pagganap sa pelikulang I’mPerfect.