MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYANG-MASAYA ang sikat na social media influencer na si Patrick Sy na representante ng Caloocan sa katatapos na Mr. Philippines 2026 dahil out of 47 candidates na mula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas ay isa siya sa nakasungkit ng korona na ginanap noong August 31 sa Crossroads Mother Ignacia Ave. Quezon City.
Kinoronahan si Patrick bilang Mr. Philippines Model Search 2026 at lalaban sa Mr. Model Search sa Indonesia sa susunod na taon.
Ito bale ang kauna-unahang pageant na sinalihan ni Patrick at masuwerteng nanalo.
Ayon nga kay Patrick, “Sobrang saya sa pakiramdam na manalo lalo na’t 1st pageant at nakasungkit agad ng 1st title.
“Kaya naman sobrang overwhelming at ‘di pa rin ako makapaniwala.
Iniaalay ni Patrick ang kanyang pagwawagi sa kanyang pamilya, supporters, at sa mga taga-Caloocan.
“Idine-desicate ko ang aking panalo sa mga sumusuporta sa akin lalong-lalo na sa aking family at ang mga taga-Caloocan, salamat po.”
Nagpapasalamat itp unang-una kay Lord, sa kanyang very supportive family and supporters at sa bumubuo ng Mr. Philippines 2026.
Bukod sa titulong Mr. Philippines Model Search 2026, isa rin si Patrick sa humakot ng maraming special awards.
Ilan pa sa nanalo sa Mr. Philippines 2026 sina Mr Philippines Grand International 2026–Angelo Dripin ng Pasig City; Mr. Philippines Man of the Year 2026–Raed El Zein ng Fil-Com UAE; Mr. Philippines Global Runway 2026–Carl Santiago ng Laguna; Mr. Philippines World Supermodel 2026 si Chris Alcantara ng Orion, Bataan; Mr. Philippines Grand Teen 2026–Nate Reyes ng San Juan City,
Mr. Philippines 2026 Culture & Arts Ambassador—Jacob Polintan ng Bulacan; Mr. Philippines 2026 Education Ambassador—Fredo Godinez ng Surigao del Sur; at Mr. Philippines 2026 Tourism Ambassador—Ozzy Gallardo ng Ilocos Sur.
First Runner-up si Zandro Sales ng Mandaluyong City at Second Runner-up si Samuel Bryant ng Bacolod City.
