MATABIL
ni John Fontanilla
INILABAS na ang mga nominado sa darating na 49th Gawad Urian na gaganapin ngayong taon
Makakalaban ni Krystel Go ng I’mPerfect, sa kategoryang Best Actress sina Odette Khan para sa Bar Boys: After School; Maris Racal para sa Sunshine; Ruby Ruiz para sa Tigkiliwi, Nour Hooshmand para sa Cinemartyrs, EJ Jallorina para sa Dreamboi; Geraldine Villamil para sa Republika ng Pipolipinas; at Rissey Reyes-Robinson para sa Paglilitis.
Habang ang leadingman naman ni Kystel sa I’mPerfect na si Earl Jonathan Amaba ay pasok sa Best Actor category at makakalaban niya sina Jomari Angeles para sa Some Nights I Feel Like Walking; Carlo Aquino para sa Bar Boys: After School; Elijah Canlas para sa Rumaragasa; Julian Paul Larroderpara sa Tigkiliwi; Jojit Lorenzo para sa Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan; Miguel Odron para sa Some Nights I Feel Like Walking, at Jericho Rosales para sa Quezon.
Maglalaban-laban naman sa Best Supporting Actress sina Dolly de Leon para sa Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan; Alessandra de Rossi para sa Republika ng Pipolipinas; Elora Españo para sa Lakambini: Gregoria de Jesus; Jennica Garcia para sa Sunshine; Gina Pareño para sa Lakambini: Gregoria de Jesus; Rochelle Pangilinan para sa Child No. 82; at Eula Valdez para sa Paglilitis.
At para sa kategoryang Best Supporting Actor kasama sa mga nominado sina Will Ashley para sa Bar Boys: After School; Amado Babon para sa Magellan; Rico Blanco para sa Manila’s Finest; Joshua Garcia para sa Meet, Greet, Bye; Enrique Gil para sa Manila’s Finest; Iain Glen para sa Quezon, at Nanding Josefpara sa Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan.
