Anton Vinzon Chanty

RATED R
ni Rommel Gonzales

TODO ang kilig na hatid nina Anton Vinzon at Chanty sa GMA serye na Kamao.

At mas lalo pa nilang pinakilig kanilang fans and supporters sa recent guesting nila sa Fast Talk With Boy Abunda.

Tinanong kasi ni Tito Boy si Anton kung may balak  ligawan ang dalagang miyembro ng Lapillus at leading lady niya sa serye.

Deretsahang sinagot ito ni Anton. Aniya, “Wala pa po kami sa ganoon. Nagsisimula pa lang ‘yung show. Gusto ko pa siyang makilala.

“And para sa akin, friends muna.”

Siyempre naman hindi pinalampas ni Tito Boy ang pagkakataong tanungin si Chanty na kung halimbawang liligawan siya ni Anton, sasagutin naman kaya niya ang guwapong action star?

Lahad ng dalaga, “Right now, hypothetically, of course, no. 

“But if my parents will give me the blessing, why not?”

Bongga, ‘di ba?

Samantala, napanonood ang Kamao mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Born To Shine.