Tuesday , June 30 2026
Hana Joan Regine Velasquez

Regine inspirasyon sa pagkanta ni Hana Joan 

MATABIL
ni John Fontanilla

IDOLO si Regine Velasquez ng singer/businesswoman and beauty queen na si Hana Joan.

Ito ang kanyang inspirasyon para maging mahusay na singer and performer.

Tsika ni Hana Joan sa matagumpay na One Last Time (Charity Concert part 2) ni Aries Concepcionnoong June 28, 2026 sa 

Bar IX, Molito Alabang, “My favorite singer is Regine (Velasquez), bukod kasi sa napakagaling niyang singer ay napakahusay din niyang performer.

“Si Regine ‘yung isa sa inspiration ko sa pagkanta at para mas maging magaling na singer and performer, hopefully makasama ko siya o maka-dueto someday.”

Habang ang I Will Survive naman ang kantang paborito niya na sumasalamin sa pinagdaanan niya sa buhay mula noon hanggang ngayon.

My favorite song is ‘I will survive,’ why? Because, riyan nag-start ang aking survival.

“Marami akong struggles in life, pero habang tumatanda tayo nalalagpasan natin ‘yun.

“And here I am now, okey na okey na. I have company in Japan, and I have company in Malaysia. ‘Yun ‘yung wino-workout namin ngayon para mas maging okey pa.”

Bukod sa pagiging mahusay na singer at successful businesswoman, isa rin itong beauty queen, na siya ang itinanghal na Mrs Cosmo Classic 2026.

“I am Mrs Cosmo Classic 2026, ako ‘yung nanalo, bale ini-represent ko ‘yung Japan sa Mrs Cosmo 2026, kasi nga Japan base ako.

“And nakoronahan ako bilang Mrs Cosmo Classic 2026.”

Sa ngayon ay nagpaplanong mag-record ng sariling kanta si Hannah, naghahanap lang siya ng right timing at tamang kanta na babagay sa kanya sa tulong ni Aries.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Kim Chiu Ryzza Mae Dizon

Kim Chiu kinainisan biro patungkol kay Ryzza Mae 

MATABILni John Fontanilla HINDI naibigan ng netizens ang biro ni Kim Chiu kay Eat Bulaga host, Ryzza Mae Dizon. Sa …

Bryan Dy Vice Ganda White Party

White Party nakalikom ng P1-M para sa HIV advocacies

HARD TALKni Pilar Mateo GAYA ng isang ibong nag–apoy, ang phoenix sa mga kwentong griyego, …

Bris Hair

Kathryn metikoloso sa buhok; Bris Hair nina Mike at Lovely sagot sa buhaghag na buhok

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez METIKOLOSO sa buhok si Kathryn Bernardo kaya ito ang nagtulak kay Mike Feliciano, salon …

Vice Ganda Sexbomb White Party

Vice Ganda pasabog sa White Party Manila; Sexbomb pinarangalang Gay Icon of the Year

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKALULULA ang laki at napakagarbo ng pagdiriwang ng White Party Manila Pride …

Dingdong Dantes The Master Cutter

Dingdong series mapapanood sa 4 na channels

I-FLEXni Jun Nardo HINDI lang isa o dalawang free TV channels mapapanood mamayang gabi ang The …