MATABIL
ni John Fontanilla
ISANG malakas na hiyawan at palakpakan ang sumalubong sa aktres na si Katrina Halili nang tanggapin ang tropeo bilang Male R&B Artist of the Year na pinanalunan ni Kris Lawrence sa 17th PMPC Star Awards for Music na ginanap sa Teatrino Promenade, Greenhills, San Juan City noong Huwebes.
Nagwagi si Kris para sa kanyang awiting Within.
Hindi siya nakadalo dahil nasa Amerika at may series of shows kaya naman kinausap daw nito si Katrina para tanggapin ang kanyang award.
Speech nga ni Katrina nang tanggapin ang award ni Kris, “Dahil wala si Kris Lawrence, ako ang naatasang tumanggap ng parangal.
“At dahil wala rin naman kaming taping, narito ako.
“Isang malaking karangalan para sa akin na tanggapin ang PMPC Star Awards na ito sa ngalan ni Kris Lawrence, na hindi makadadalo ngayong gabi. Taos-puso ang kanyang pasasalamat sa PMPC para sa pagkilalang ito, gayundin sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kanya.”
Kaya naman marami ang nagsasabing mukhang nagkabalikan na ang dalawa at inililihim lang sa publiko.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com