SOBRANG relate si Cristine Reyes sa walong finalists ng Viva’s Next big Star. Tulad ng walong napasama sa grandest star search ng Viva, sumali rin sa talent search si Cristine na isa sa mga unang natanggal.
Ani Cristine, isa siya sa mga unang natanggal sa Starstruck noon ng GMA 7 kaya sobrang relate siya sa walong nagbabakasakali na makilala at sumikat sa pamamagitan ng Viva’s Next Big Star.
May paalaala lang ang magandang aktres na hindi nagtatapos sa pagkatanggal sa talent search ang pangarap na makilala bilang magaling na artista at makamit ang pinapangarap na katanyagan.
Marami ang nagbabakasakali na makikilala o sumikat bilang artista o maging pinakabagong hahangaang talento sa pamamagitan ng Viva’s Next Big Star na napapanood tuwing Friday sa Viva One!
Mula sa looks, talent, attitude, pati na passion at pusong inilalaan sa kanilang ginagawa, hahanapin at sasalain ng Viva’s Next Big Star ang mga raw talent na susunod na magpapa-wow sa telebisyon, big screen, at maging sa world stages.
Magsisilbing mga hurado at mentor sa kompetisyon ang ilan sa mga pinaka-pinagkakapitaganang pangalan sa entertainment industry. Una sa kanila si Jason Paul Laxamana, isang multi-awarded filmmaker, screenwriter, at producer na kilala sa kanyang mga romantic movies gaya ng 100 Tula Para Kay Stella, Just a Stranger, at marami pang iba. Makakasama rin niya si Mac Alejandre, isang award-winning at batikang direktor na nakilala sa maraming pelikula gaya ng romantic-comedy na Let the Love Begin at ang fantasy epic na Ang Panday. Kumukompleto sa hanay ng mga hurado at mentor ang award-winning at Box Office actress na si Cristine.
Bilang mga hurado at mentor, sila ang maghahasa at huhubog sa talento ng mga contestant at tutulungan silang maabot ang kanilang buong potensiyal para sa kompetisyon.
Sa pangunguna ng mga batikang direktor at artista na sina Jason Paul, Mac, at Cristine, magsisilbi silang hurado at mentor upang mas mahasa at mas mailabas pa ang talento at potensiyal ng mga contestant.
Mula sa direksiyon ni Ryan Evangelista, susubaybayan ang bawat journey, bawat stepping stone, at bawat tagumpay ng mga contestant—sa likod man o sa harap ng camera.
Panoorin ang exclusive features, backstage preparations, at mga pasilip sa mga soon-to-be lead stars at mga performer
Subaybayan ang journey ng Viva’s Next Big Star na sina Miguel—ang Sweet Cheerful Boy Ng Davao City; Kurt—ang Gamer-tista Ng Rizal; Mish—ang Hobby Hoarder Ng Davao City; Lougee—ang Charming Tiktoker Ng Caloocan City; Jaycee—ang Popstar Ng Laguna; Calvin—ang Martial Artist Ng Paranaque; Mina—ang Rising Superstar Ng Muntinlupa; at Jamie– ang Shy Sweetheart Ng Bulacan. (MValdez)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com