MATABIL
ni John Fontanilla
BAGONG dagdag ang maganda at mala-Dyosa na si Kim Domingo sa pamilya ng Salveowell Corporation Family na pumirma ng kontrata kamakailan.
Dumalo sa contact signing sina Mr. Arkie Rivera- President, Ms Reachet Rivera– CEO & Founder, at Papa Carlo ng Barangay LSFM 97.1. Hosted by Rein de Leon.
Ayon kay Kim, dalawang taon na siyang umiinom ng Salveo Barley Grass at dito gumaling ang kanyang acid reflux.
“ Personally ginagamit ko talaga siya, two years na.
“Nag-start ‘yun through friend na nag-introduce sa akin ng produkto. Ang problem ko kasi even before ang acid reflux.
“So siyempre mahilig tayong kumain and mahilig ako sa spicy food so, nagti-trigger lagi and then siyempre na-oospital na rin ako lagi.
“And ang problem noon siyempre bibigyan ka ng medicine, gagaling and then babalik ulit kapag kumain ka ng mga bawal. So ngayon oni-recomend ng isa kong friend na gumamit ako ng natural wellness product na iyon, since ang dami nilang user na may acid reflux na nawala. Na gumaling talaga.
“Kaya nag-try ako, tapos kumain ako nang kumain, lahat ng bawal sa akin.
“After that, doon ko na-discover na parang ‘di ako sinusumpong ah, noong iniinom ko na nga. Kaya itinuloy- tuloy ko na.”
Ayon naman kay Ms Reachet, ikinuwento sa kanila ni Papa Carlo na user din ng nasabing produkto ang problema ni Kim at ganoong mga klase ng story ang hinahanap nila, tunay at authentic.
“Nalaman namin through Papa Carlo, sinabi niya nga sa amin, kasi talagang hinahanap talaga namin ‘yung mga real story, kuwentong Salveo ang tawag namin.
“Lahat ng stories na inilalabas namin sa social media ‘yung mga situation na ganoon authentic talaga.
“Para mailabas namin ‘yung story, ‘yung experience. Good experience from using Salveo Barley Grass.”
Bukod sa pagiging user ng nasabing produkto, ang pagiging down to earth, genuine, at sobrang bait ni Kim ang rason kung bakit nila ito kinuhang ambassador.
“Unang-Una sobrang down to earth, parang when we met her talang na-amaze kami sobrang bait niya, mukha siyang diyosa and very genuine. Sabi namin sobrang napakabait niya.
“Kasi kami talaga we’re looking for people like her, very authentic talaga and willing siya to share kung ano man ‘yung na-experience niya.
“So, parang mas marami pa ang ma-inspire and ma-try din ‘yung product for their health.”
Isang taon ang kontratang pinirmahan ni Kim.
Kasamang ambassador ni Kim sina Ivana Alawi, Mona Alawi, at Derek Ramsey.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com