Tuesday , June 23 2026
Arrest Shabu

Sa Pasay City
P1-M+ shabu nasamsam sa 3 HVI drug pushers

MAHIGIT P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam at naaresto ang tatlong high value individuals (HVIs) na nagbabagsak ng shabu sa small time pushers, sa isinagawang buybust operation, sa Pasay City, Sabado ng gabi.

Sa ulat, sinabi ni Southern Police District (SPD) District Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco, nalansag ng kanyang mga tauhan ang lokal na distribusyon ng shabu sa Southern Metro Manila sa pagkaaresto sa mga suspek na sina alyas Zenkie, 28 anyos; alyas Alicia, 28; at Ryan, 41.

Dakong 7:30 ng gabi, noong Sabado, 20 Hunyo, nang isagawa ang buybust operation sa harap ng isang hotel sa Don Carlos Revilla St., Barangay 148.

Nasamsam sa naturang operasyon ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng SPD at Pasay City Police Station ang kabuuang 150 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,020,000, at narekober ang marked-money.

Isinailalim sa inquest proceedings ang tatlo sa reklamong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Pasay City Prosecutor’s Office.

“The interception of more than a million pesos worth of illicit narcotics and the simultaneous arrest of three high-value suppliers represent a significant operational blow to retail-level drug networks in the sector. The Southern Police District remains unyielding in its mandate to clear our streets of dangerous drugs and protect our neighborhoods,” ani Cinco.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …

BBM Vladimir Putin

24 Pinoy 9 buwan kulong sa Russia nakauwi na sa bansa

LIGTAS na nakauwi sa Filipinas ang 24 migranteng manggagawa na halos siyam na buwan nakulong …

062226 Hataw Frontpage

Sa Estados Unidos
PINAY PINANANAGOT SA US$1-B PANDURUGAS SA HEALTHCARE INSURANCE

HATAW News Team NAHAHARAP sa multiple federal charges sa Estados Unidos ang isang Filipina nurse …

Serbia vs Dominican Republic W VNL

Serbia bumangon, Dominican Republic hanap pa rin ang unang panalo

MULING nakabalik sa tamang landas ang Serbia matapos pataubin ang Dominican Republic, 25-19, 25-23, 25-18, …