Tuesday , June 23 2026
BBM Vladimir Putin

24 Pinoy 9 buwan kulong sa Russia nakauwi na sa bansa

LIGTAS na nakauwi sa Filipinas ang 24 migranteng manggagawa na halos siyam na buwan nakulong sa Russia pagkatapos mag-usap sina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Russian President Vladimir Putin.

Bagamat iimbestigahan pa lamang, itinuturing na overseas Filipino workers (OFWs) ang mga dumating sa Maynila at malugod na sinalubong sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nina Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Ma. Theresa Lazaro at iba pang mga tauhan ng DFA.

Nabatid na mula sa Krasnoyarsk, Russia, ang mga Pinoy ay bumiyahe sa Bangkok, Thailand, bago muling bumiyahe pauwi ng Filipinas.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), nagtrabaho ang mga naturang Pinoy bilang tagalinis sa Russia ngunit ikinulong dahil sa kakulangan ng mga kinakailangang dokumento.

Tiniyak ng DMW na iimbestigahan nila ang pangyayari upang maiklaro kung biktima sila ng human trafficking at matukoy ang kanilang ‘illegal recruiters’.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …

Arrest Shabu

Sa Pasay City
P1-M+ shabu nasamsam sa 3 HVI drug pushers

MAHIGIT P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam at naaresto ang tatlong high value individuals …

062226 Hataw Frontpage

Sa Estados Unidos
PINAY PINANANAGOT SA US$1-B PANDURUGAS SA HEALTHCARE INSURANCE

HATAW News Team NAHAHARAP sa multiple federal charges sa Estados Unidos ang isang Filipina nurse …

Serbia vs Dominican Republic W VNL

Serbia bumangon, Dominican Republic hanap pa rin ang unang panalo

MULING nakabalik sa tamang landas ang Serbia matapos pataubin ang Dominican Republic, 25-19, 25-23, 25-18, …