Thursday , June 18 2026
Camille Velasco

Camille Velasco isa sa aabangan sa Star Reignited Concert

MATABIL
ni John Fontanilla

ISA sa aabangan sa reunion concert ng Metropop winners via Stars Reignited na hatid ng  EV Productions and Events sa Sept. 5 (Saturday), 7:00 p.m. sa Teatrino Promenade Greenhills, San Juan City ang mahusay na singer/actress na si Camille Velasco.

Nagsimula ang showbiz ni Camille nang maging commercial model ito ng Jelly Ace, Eight Oclock noong bata pa siya.

Naging member din ito ng most awarded at longest children show sa bansa, ang Pen Pen De Sarapenni Connie Angeles na napapanood noon sa RPN 9.

Nag-join din ito ng Little Miss Philippines Munting Mutya. At sa edad na 10  ay minanage ito ng yumaong pamosong talent manager na si Tita Angge. 

Nakalabas ito sa mga TV show na MMK, Ipaglaban Mo, Alagad, Luv ko si Kris, Calvento File at sa mga pelikulang Kung Sino Pang Minahal, May Pag-ibig Pa Kaya? 

At dahil sa husay kumanta ay nakapag-record ito ng mga awitin sa EMCV Record at the age of 14. At nang mag-15 years old ito ay sumali sa GMA Starsearch 14yo/Record Label under EMCV record.

At sa Sept 5 nga ay makakasama ni Camille ang iba pang maituturing na mahuhusay na babaeng mang-aawit sa bansa na galing sa Metropop na sina Roxanne Barcelo, Queen of AsiaNovela Songs Faith Cuneta, Miles Poblete, Anna Katrina Lara, Xaxa Manalo, at  Champagne Morales with special guest, Karen Carpenter Cye Soriano.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Rico Blanco Project Baby

Rico Blanco gusto pa ring maikasal 

RATED Rni Rommel Gonzales MAY point in time pala na pumasok sa kamalayan ni Project Baby male …

Debbie Lopez

Debbie Lopez parang nanalo na sa nominasyon sa Star Awards for Music 

MATABILni John Fontanilla NAGDIWANG ng kaarawan kamakailan si Debbie Lopez sa Le Prive, isang cinema themed concept cafe …

JMRTN Ima Castro Faith Cuneta

JMRTN magtatanghal kasama sina Ima at Faith  

MATABILni John Fontanilla FRESH mula sa successful Pinoy Music Power concert series sa Toronto Canada ng tinaguriang …

Charo Cordial Kris Lawrence Katrina Halili Katie

Kris sinagot balikan nila ni Katrina 

NAGIGING palagay ang loob ng bawat celebrity na naitatampok ng Maddox Jewelry owner na si Charo …

Atasha Muhlach Annie Batungbacal

Atasha Muhlach magbibida sa Bongga Ka ‘Day Musical 

I-FLEXni Jun Nardo DESMAYADO ang fans ng isang singer-actress dahil hindi ang idolo nila ng nakuhang female …