Tuesday , June 16 2026
Sofia Pablo

Sofia Pablo may alinlangan bago sumali sa PBB

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAGDALAWANG-ISIP pala si Sofia Pablo na sumali dati sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0.

Ang ka-loveteam niyang si Allen Ansay ang madalas nangungulit sa kanya na sumali sa naturang reality show.

“’Pag sinasabihan niya akong ‘Mag-yes ka na sa PBB’, nagagalit talaga ako na, ‘Hindi mo ako naiintindihan!'” kuwento ni Sofia sa latest episode ng Your Honor podcast.

In fact, tumanggi si Sofia noong una siyang alukin na sumali sa PBB.

Natatakot ako kasi siyempre, hindi naman lahat ng nangyayari sa loob naeere.”

Isa sa mga kinatatakutan niya ay baka magkaroon ng video clips na ie-edit ng fans at maiba na ang dating ng tunay niyang ginawa o sinabi.

Pangit pakinggan pero bad edits, tapos ma-upload sa Tiktok, tapos masira lang ako lalo. Spliced,”pahayag pa ng Sparkle female star.

Lagi na akong naano sa ganyan, na fake issues. Tapos ilalapit ko ‘yung sarili ko sa show na makikita ako 24/7, tapos hindi ko alam ano kalalabasan.”

Nagbago naman kalaunan ang isip ni Sofia kaya sumali rin siya sa PBB at na-evict kasabay si Eliza Borromeo.

Ninety-nine days si Sofia sa loob ng bahay ni Kuya na sina Caprice Cayetano at Lella Ford ang itinanghal na Big Winners.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Sue Ramirez

Sue umaasang maibabalik maayos na kondisyon ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAGING emosyonal si Sue Ramirez nang mapag-usapan ang tungkol sa health condition …

Atty Vince Tañada Philstagers Theater Festival 

Theater Festival ng Philstagers matagumpay

HARD TALKni Pilar Mateo ANG entablado. Ni Atty. Vince Tañada. Tinawag na Philstagers (Philippine Stagers Foundation). National Mobile …

Puregold OPM Con Generations

Puregold’s OPM Con Generations dinagsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez LALONG umigting ang pagkasabik sa OPM Con Generations ng Puregold noong Hunyo 12, nang sumugod …

Sue Ramirez Rico Blanco Project Baby

Rico natural umarte, kilig kay Sue bigay todo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PAK na pak at hindi mahirap bagayan nina Sue Ramirez at Rico Blanco ang isa’t …

Itanong Natin Kay Dok Larry Dr Lawrence Nubla Sembrano

Health advocacy show na “Itanong Natin Kay Dok Larry,” kaabang-abang

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGSISIMULA na ngayong June 13 ang health advocacy show na “Itanong Natin Kay Dok …