Monday , June 15 2026
Sue Ramirez

Sue umaasang maibabalik maayos na kondisyon ng ina

MA at PA
ni Rommel Placente

NAGING emosyonal si Sue Ramirez nang mapag-usapan ang tungkol sa health condition ng nanay niyang na-stroke. 

Ayon kay Sue, naapektuhan ang pagsasalita at paglalakad ng ina matapos ma-stroke noong November 2025.

Ang pinaka-nami-miss ko talaga, makausap si mommy. Simula noong nagkasakit si mommy, parang hindi ko na siya nakausap ulit in a normal way,” sabi ni Sue.

Inilarawan ni Sue ang kanyang nanay bilang isang matapang at matatag na babaeng nagpalaki at nag-aruga ng limang anak.

Bukod dito, ang nanay din niya ang nag-aasikaso sa tatay nila nang magkaroon ito ng stroke-related complications.

I was molded by a very strong woman who is my mom,” ang pagmamalaki ni Sue sa ina.

Ayon pa sa aktres, umaasa sila na darating din ang araw na gagaling at makaka-recover nang tuluyan ang kanilang nanay sa pamamagitan ng therapy. 

Sana matulungan ng speech therapy at physical therapy ‘yung kalagayan niya,” aniya pa.

Nagpapasalamat din si Sue sa kanyang boyfriend na si Dominic Roque dahil sa pagdamay sa kanya at sa kanilang pamilya. Palagi rin silang nagdarasal kapag magkasama.

He loves me in my love language,” sabi pa ni Sue  na bida sa latest offering ng Regal Entertainment, ang Project Baby katambal si Rico Blanco.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Metropop winners Stars Reignited

Tickets sa concert ng Metropop winners mabenta

MATABILni John Fontanilla MALAPIT nang ma-sold-out ang tickets sa muling pagsasama-sama sa isang konsiyerto ng …

Gary V  Rene Baterbonia Divine Adili

Gary Valenciano nakiramay sa 2 Ateneo athletes

MATABILni John Fontanilla ISA si Gary Valenciano sa nagluluksa sa pagkamatay ng dalawang Ateneo de Manila University …

Sue Ramirez Rico Blanco Project Baby

Sue at Rico pak na pak sa Project Baby

MA at PAni Rommel Placente NAPANOOD na namin ang pelikulang Project Baby na pinagbibidahan nina Sue Ramirez at Rico Blanco, …

Shalanie de Vera Latina Athena Red

VMX star Shalanie de Vera mahilig makipag-usap sa strangers

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWA na namang siguradong aabangan ng mga suki ng VMX ang inihahatag ng Viva. …

Jenn Rosa Helena

Jenn Rosa nag-aral kaya nawala sa VMX

I-FLEXni Jun Nardo ALMOST one year palang natigil sa paggawa ng VMX movies ang sexy star na …