Monday , June 15 2026
Atty Vince Tañada Philstagers Theater Festival 

Theater Festival ng Philstagers matagumpay

HARD TALK
ni Pilar Mateo

ANG entablado. Ni Atty. Vince Tañada. Tinawag na Philstagers (Philippine Stagers Foundation). National Mobile Theater.

Matatagpuan siya sa PSF Blackbox Studio, 2065 D.G. Tuazon St., Balic-Balic, Sampaloc, Manila (malapit sa PSBank).

Ipinagdiriwang ang ika-26 taon.

Kaya isinagawa ang Theater Festival na itinampok ang mga sumalang sa taunang workshop o palihan.

Dalawang Sabadong  nagpakitang-gilas ang mga estudyante. At  nagpakitang-gilas sa iba’t ibang kategorya kasama ang mga  magaganap na sa PSF.

Dalawang Sabado na naging hurado ang mga batikan sa kanilang larangan. Dr Anton JuanRichard Quan, Direktor BJ Crisostomo, at Direktor Joel Lamangan.

Sa ginanap naman na pagtatapos, ang mga  naging hurado ay ang nga aktor na sina  Dante Balboa at Mon Confiado, kasama ang DZMM anchor na si Papa Ahwel Paz.

Ang mga nagsipagtapos ay ang mga sumusunod:

TOP 10 OF PSF WORKSHOP BATCH 2026:

1. Jeremy Peter 

2. Lovern Kim Calucag

3. Thirdy Hermosa

4. Gabby Bautista

5. Reign Lanz 

6. Shekinah Breta

7. Pia Caduyac

8. Danielle Francia

9. Kris Robles

10. Mark Jhonsen Bognot

Itinanghal naman sa naglaban-labang mga estudyante ang:

WORKSHOP DIVISION:

[ ] Best Actor: Jericho Marigon

[ ] Best Actress: Kris Robles

[ ] Best Featured Actor: Lovern Calucag

[ ] Best Featured Actress: Shekinah Breta

[ ] Best in Cameo Male: Aaron Kyle Padilla

[ ] Best in Cameo Female: Maureen Manalo

[ ] Best Dancer: Lovern Calucag

[ ] Best Singer: Pia Caduyac

[ ] Circle of Excellence: Gabby Bautista

[ ] Best Media Content (Group Category): Daisy Siete

[ ] Best Media Content (Individual Category): Mark Jhonsen Bognot

[ ] Best Media Content (Audience Choice Award): Jeremy Peter

Ibinukas din ang kompetisyon sa mga taga-ibang paaralan.

OPEN MAIN COMPETITION:

[ ] Best Play: Lotto Ticket

[ ] Best Director: Katherine Nobleza-Estavillo (Lotto Ticket)

[ ] Best Actor: Dave Del Socorro (Bakit Puro Na Lang Bakit?)

[ ] Best Actress: Olivia Sanchez (Lotto Ticket)

[ ] Best Featured Performer: Margaret Justin Fernandez (Lotto Ticket)

[ ] Best Script: Awake (The Ouaos)

[ ] Audience Choice Award: Lotto Ticket

[ ] Special Jury Prize (For Social Responsibility): 48k Gising Pilipinas!

At sa nagmula sa PSF:

STAGERS DIVISION:

[ ] Best Play: Silo (Kharen Udarbe)

[ ] 2nd Best Play: Ang Lalaking Umibig Sa Uod (Fidel Redado)

[ ] 3rd Best Play: The Casting Call (James Ramada)

[ ] Best Director: Kharen Udarbe

[ ] Best Script: Ang Lalaking Umibig Sa Uod (Fidel Redado)

[ ] Best Actress: Vean Olmedo (Silo)

[ ] Best Actor: JP Lopez & Awin Valencia (The Casting Call)

[ ] Best Featured Performer: Daffodil Perez (Lost & Found) & Carl Rasco (The Casting Call)

[ ] Audience Choice Award: Ang Lalaking Umibig Sa Uod (Fidel Redado)

[ ] Special Jury Prize (For Social Responsibility): Lost & Found by Zen Lizardo

Ang maging miron sa mga pagkakataong lumantad sa inyong harapan ang sari-saring istorya na buong ningning at tatag na pinangatawanan ng bawat isa ay nagsilbing ilaw para higit na makilala at maramdaman ang pintig ng buhay na sining sa entablado.

Kung tutuusin, walang itulak kabigin.

Sa entabladong inaalagaan niya, katuwang ang ngayo’y pangulong si Johnrey Rivas, simple ang nais ni Atty. Tañada.

Ang teatro para sa akin ay hindi lang tungkol sa pag-aliw sa mga manonood. Kundi pag-iba rin o pagbabagong anyo.

“Humihinga, humihibik, nagsasalita ang mga istoryansa entablado. Gumagalaw, nagsasalita, nakaadama. Hindi gaya ng isang aklat na nasa istante lang. O isang monumento na nasisilayan. Sinasalamin nito ang ating mga dinaraanan. Pagkatalo. Pagka-panalo. Ang  kasaysayan. Katotohanan.”

Ang maging inspirasyon. At kilitiin ang imahinasyon ng bawat manonood.

‘Yan ang ganap niya sa teatro. Ang makapagpabago rin ng mga buhay. 

Laging nagbabaga. Nang magsara na ang telon sa Bonifacio: Ang Supremo, itinakda ng buksan ang “Rizal: 3000” na panonoorin hanggang 2027! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Gary V  Rene Baterbonia Divine Adili

Gary Valenciano nakiramay sa 2 Ateneo athletes

MATABILni John Fontanilla ISA si Gary Valenciano sa nagluluksa sa pagkamatay ng dalawang Ateneo de Manila University …

Sue Ramirez Rico Blanco Project Baby

Sue at Rico pak na pak sa Project Baby

MA at PAni Rommel Placente NAPANOOD na namin ang pelikulang Project Baby na pinagbibidahan nina Sue Ramirez at Rico Blanco, …

Shalanie de Vera Latina Athena Red

VMX star Shalanie de Vera mahilig makipag-usap sa strangers

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWA na namang siguradong aabangan ng mga suki ng VMX ang inihahatag ng Viva. …

Jenn Rosa Helena

Jenn Rosa nag-aral kaya nawala sa VMX

I-FLEXni Jun Nardo ALMOST one year palang natigil sa paggawa ng VMX movies ang sexy star na …

Matteo Guidicelli TV5

Matteo Guidicelli bahagi na ng TV5

I-FLEXni Jun Nardo TULUYAN nang magiging bahagi ng TV5 si Matteo Guidicelli matapos palitan bilang anchor sa Bilyonaryo News Channel. …