Monday , June 15 2026
Puregold OPM Con Generations

Puregold’s OPM Con Generations dinagsa

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

LALONG umigting ang pagkasabik sa OPM Con Generations ng Puregold noong Hunyo 12, nang sumugod ang mga kalahok na tindahan sa napakaraming tagahanga sa unang araw ng pagbebenta ng tiket.

Nakatakda sa Hulyo 12 sa Smart Araneta Coliseum, isang kaabang-abang na selebrasyong pangmusika ang OPM Con Generations. Sa ikatlong taon ng taunang konsiyerto, itatampok ang SB19, Ben&Ben, at Alamat. Kasama rin sina Flow G, Skusta Clee, Sunkissed Lola, G22, KAIA, at Xona na pinagsama-samang iba-ibang talento at genre na kasalukuyang humuhubog sa lokal na industriya ng musika sa Pilipinas.

Kabilang ang mga sumusunod na lugar na mayroong mga tindahan ng Puregold na kalahok sa ticket redemptionTaytay, Rizal; Biñan, Laguna; Anabu-Imus, Cavite; Valenzuela; QI Central, QC; Cubao, QC; Fairview Terraces, QC; Tayuman, Manila; Parañaque; Kalentong, Manila; Cainta, Rizal; at San Pedro, Laguna.

Isa sa mga kauna-unahang nakakuha ng tiket si Beverly Jane, isang A’TIN na nagkampo sa Puregold QI Central kasama ang mga kapareho niyang tagahanga, isang gabi bago ang pagbubukas ng ticket redemption.

Super excited na for the concert kasi pinila talaga namin ito. Nandito na kami since 7 last night,”pagbabahagi niya. 

Sa kabila ng mahabang paghihintay, nabanggit niyang inalagaan ang mga dumalo–binigyan ng pagkain, inumin, at maayos na espasyo na puwedeng maghintay ang mga nakapila. 

Nagpasalamat din si Berveley sa suporta ng Puregold sa musikang Pinoy. “Thank you so much sa Puregold dahil malaking platform ito para sa OPM at sobrang supportive nito hindi lang sa SB19 kundi sa buong P-pop community.”

Ipinakita ng unang araw ng pagbebenta ng tiket ang suporta rin ng mga Filipino sa OPM Con Generations. Mula sa iba’t ibang henerasyon ang mga tagahanga, na nahikayat ng lineupng OPM Con, na pasok sa malawak na mga hilig at kasaysayan bilang music fans. Sa pagdaan ng taon, naging plataporma na ang OPM Con sa pagsasama-sama ng mga talento, tagapanood, at mga fandombilang pagdiriwang ng talento ng mga Filipino at mga komunidad na nabuo dahil dito.

Sa edad na 62, ipinagmamalaki ni Suzette Santiago ang pagiging fanng SB19. Isang masugid na tagasuporta ng grupo mula pa noong 2024, ibinahagi niya na ang pagiging fangirlsa grupong P-pop at pagdalo sa mga selebrasyon ay malaking tulong sa pagpaparamdam sa kanya ng sigla ng kabataan.

Whenever I listen to their music, may message talaga, and that’s what draws me to them,” sabi niya. “It’s so nice that Puregold is doing this because it’s really encouraging to see our OPM music and industry continue to rise. Hopefully tuloy-tuloy lang because I really enjoy going to these events.”

Samantala, nagpapasalamat din si Arnel Lamber, na pumunta rin noong gabi bago ang bilihan upang maagang makapila, sa mga ganitong inisyatiba na nagbibigay ng pagkakataon sa mga tagasuporta na makita ang kanilang mga hinahangaan. Bukod sa kanyang mga napamiling groseri, nakakuha rin siya ng tiket sa OPM Con Generations, at sabik na siyang dumalo sa selebrasyon.

Thankful ako sa Puregold kasi nakaka-experience kami ng ganito. Kahit puyat, okay lang kasi masaya naman,” aniya.

Nagpasalamat ang Puregold sa mga dumalo sa unang araw ng ticket redemptionLubos kaming natutuwa sa nakita naming tugon,” pahayag ni Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold Price Club Inc..

Nakatutuwang makita ang napakaraming kustomer na hindi lamang sabik sa magiging concert, kung hindi masayang maging bahagi ng karanasan sa pamamagitan ng Puregold. Malugod naming tinatanggap ang mas marami pang dadalo sa concert sa pagpapatuloy ng ticket-selling.”

Para sa maraming kustomer, ang pagkakataong makakuha ng inaabangang concert tickets kasama ng mga napamili sa Puregold ay lalo pang nagpapayaman ng kanilang karanasan. Habang papalapit na ang pagdiriwang, lalo pang tumitindi ang pag-aabang sa ipinapangakong hindi-malilimutang gabi ng musikang Pinoy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Metropop winners Stars Reignited

Tickets sa concert ng Metropop winners mabenta

MATABILni John Fontanilla MALAPIT nang ma-sold-out ang tickets sa muling pagsasama-sama sa isang konsiyerto ng …

Gary V  Rene Baterbonia Divine Adili

Gary Valenciano nakiramay sa 2 Ateneo athletes

MATABILni John Fontanilla ISA si Gary Valenciano sa nagluluksa sa pagkamatay ng dalawang Ateneo de Manila University …

Sue Ramirez Rico Blanco Project Baby

Sue at Rico pak na pak sa Project Baby

MA at PAni Rommel Placente NAPANOOD na namin ang pelikulang Project Baby na pinagbibidahan nina Sue Ramirez at Rico Blanco, …

Shalanie de Vera Latina Athena Red

VMX star Shalanie de Vera mahilig makipag-usap sa strangers

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWA na namang siguradong aabangan ng mga suki ng VMX ang inihahatag ng Viva. …

Jenn Rosa Helena

Jenn Rosa nag-aral kaya nawala sa VMX

I-FLEXni Jun Nardo ALMOST one year palang natigil sa paggawa ng VMX movies ang sexy star na …