Thursday , June 11 2026
Ryzza Mae Dizon Toni TalksToni Gonzaga

Ryza Mae Dizon thankful sa TVJ

MATABIL
ni John Fontanilla

EMOSYONAL na ibinahagi ni Ryzza Mae Dizon sa interview nito sa Toni Talks ni Toni Gonzaga na noong kasagsagan na nagkaroon ng conflict ang TVJ at Tape Inc at nagkaroon ng tanggalan ay siya ang number 1 candidate sa pagbabagong bihis ng Eat Bulaga.

Ako ‘yung top 1 po na sure na sure na gusto nilang tanggalin,” ani Ryza Mae.

At habang lumalala raw ang conflict ng TVJ at Tape Inc. ay unti-unti ring nababawasan ang exposure nito sa longest and number 1 noontime show ng bansa.

Dagdag pa ni Ryzza na may tini-train na bata para kapalit niya. Kaya naman halos once a week na lang siya napapanood sa Eat Bulaga at sa isang segment na lang. Kaya naman labis itong nasaktan sa nangyari.

“Kasi nandoon na po ‘yung papalit sa akin, tini-train na po,” aniya.

“Masakit talaga po kasi pinaghirapan ko ‘to.”

Kaya naman sobra-sobra ang pasasalamat nito sa TVJ dahil hindi pumayag ang mga ito na matanggal siya.

“Sobra rin po talaga ‘yung pasasalamat ko sa TVJ kasi ipinaglaban din po nila na hindi ako maalis,” kuwento ni Ryza Mae. 

Sumikat si Ryzza nang manalo sa Little Miss Philippines noong 2012 sa Eat Bulaga.

Hawak niya rin ang titulo bilang pinakabatang talk show host via The Ryzza Mae Show at nagkasunod-sunod na ang kanyang pelikula.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Ellen Adarna John Lloyd Cruz Isabel Santos

Ellen mas madalas ka-bonding si JLC

I-FLEXni Jun Nardo MALABO na nga sigurong magkabalikan ang dating couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay. …

Heart Evangelista John Prats Teka Lang

Heart, John naghatid ng kilig sa Teka Lang music video

I-FLEXni Jun Nardo GOOD vibes ang dating ng muling pagsasama ng former lovers na sina Heart …

Yasmien Kurdi

Yasmien natapos 1st semester sa Law

MATABILni John Fontanilla MASAYANG nag-celebrate si Yasmien Kurdi sa pagkompleto ng kanyang first year sa law school. …

Roderick Paulate

Roderick Paulate gusto nang mag-asawa

MATABILni John Fontanilla SA edad 66, single at patuloy pa ring umaasa at naghahangad na …

Puregold OPM Con Generations

Mula grocery cart tungong concert
Libreng tiket sa Puregold OPM Con Generations paano makukuha?

SIMULA na ng pag-aabang sa kapana-panabik na Puregold OPM Con Generations!  Habang naghahanda ang mga tagahanga …