Thursday , June 11 2026
Claudine Barretto Dolphy Home Along Da Riles

Claudine ramdam na kasamang nanonood si Dolphy 

MA at PA
ni Rommel Placente

LAST week ay nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home Along Da Riles Da Reunion sa Metropolitan Theater. Present doon si Claudine Barretto. Siya ang isa sa mga gumanap na anak ng namayapang komedyante na si Dolphy sa sikat na sikat na sitcom noong 90’s, na isinalin na sa pelikula.

Kwento ni Claudine, noong pinanonood nila ang pelikula, pakiramdam nila ay kasama rin nilang nanonood si Dolphy.

“Ang tagal naming magka-holding hands ni tita Nanay (Nova Villa) habang pinanonood, ang saya namin talaga. Parang napi-feel namin ‘yong presence ni Tatay (Dolphy),” sabi ni Claudine.

Inamin naman ni Claudine na nakaramdam siya ng kaba bago siya pumunta sa advance  screening.

“Talagang very sentimental and emotional. Bago ako pumunta sa advance screening. Talagang ninenerbiyos ako. 

This is the first time na pinanood namin ‘yong pelikula ng buo,” wika pa ni Clau.

Samantala, hangang- hanga si Claudine kay  Boy 2 Quizon, na direktor ng HADRDR.

“Ang galing ni Boy 2. I’m so proud of my family dito sa ‘Home Along.’”

Showing na sa June 17 ang Home Along Da Riles Da Reunion sa mga sinehan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Ellen Adarna John Lloyd Cruz Isabel Santos

Ellen mas madalas ka-bonding si JLC

I-FLEXni Jun Nardo MALABO na nga sigurong magkabalikan ang dating couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay. …

Heart Evangelista John Prats Teka Lang

Heart, John naghatid ng kilig sa Teka Lang music video

I-FLEXni Jun Nardo GOOD vibes ang dating ng muling pagsasama ng former lovers na sina Heart …

Yasmien Kurdi

Yasmien natapos 1st semester sa Law

MATABILni John Fontanilla MASAYANG nag-celebrate si Yasmien Kurdi sa pagkompleto ng kanyang first year sa law school. …

Roderick Paulate

Roderick Paulate gusto nang mag-asawa

MATABILni John Fontanilla SA edad 66, single at patuloy pa ring umaasa at naghahangad na …

Puregold OPM Con Generations

Mula grocery cart tungong concert
Libreng tiket sa Puregold OPM Con Generations paano makukuha?

SIMULA na ng pag-aabang sa kapana-panabik na Puregold OPM Con Generations!  Habang naghahanda ang mga tagahanga …