Friday , June 12 2026
Roderick Paulate

Roderick Paulate gusto nang mag-asawa

MATABIL
ni John Fontanilla

SA edad 66, single at patuloy pa ring umaasa at naghahangad na mahahanap ng mahusay na komedyante, Roderick Paulate na matagpuan niya ang taong magmamahal at makakasama niya sa buhay.

Sa isang vlog interview ay inamin ng premyadong aktor na gusto niya nang mag-asawa na mamahalin siya at makakasama niya habambuhay.

Malay mo naman may magkagusto pa. Welcome.

“Minsan naiisip mo rin na gusto mong may asawa, may mamahalin, may kasama,” wika ni Roderick.

Minsan nga ay napapaisip si Roderick na sana ay may isang taong makakasama niya sa kanyang ups and down, lungkot at saya lalong-lalo na sa kanyang pagtanda.

Hindi nga nito maiwasang maging emosyonal nang sabihin na akala daw ng mga tao ay napaka-strong niya dahil sa magandang takbo ng kanyang career at napaka-masayahing imahe.

Kasi minsan, kapag masyado ka nang busy at palaging strong sa buhay.

“Nakakalimutan na ng tao na tanungin ka kung ‘okay ka lang ba?’

“Ang tingin nila sa ’yo, Superman ka, hindi ka nasasaktan.

“Ayoko namang magpakita na kawawa ako. Nandiyan ang Diyos, Siya ang kakampi mo,” sabi pa ng aktor.

Nanatiling bukas para kay Kuya Dick ang posibilidad na makatagpo ng taong mapapangasawa, makakasama, at magmamahal sa kanya hanggang sa kanilang pagtanda. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Jos Garcia Nolo Lopez

Jos Garcia and Nolo Lopez nominado sa 17th Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla NAGPAPASALAMAT ang Pinay international singer na nakabase na sa Japan na si Jos …

Ryzza Mae Dizon Toni TalksToni Gonzaga

Ryza Mae Dizon thankful sa TVJ

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL na ibinahagi ni Ryzza Mae Dizon sa interview nito sa Toni Talks ni Toni …

Claudine Barretto Dolphy Home Along Da Riles

Claudine ramdam na kasamang nanonood si Dolphy 

MA at PAni Rommel Placente LAST week ay nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home Along …

Aiko Melendez Andre Yllana

Andre gusto nang bumukod kay Aiko

MA at PAni Rommel Placente DUMATING pala sa puntong nagtampo kay Aiko Melendez ang anak niyang si Andre …

Sue Ramirez

Sue malaki ang impluwensiya ng Project Baby sa kanyang growth bilang babae 

BIDA ang Star Magic actress na si Sue Ramirez sa naganap na Star Magic Press Conference noong June 6, 2026, sa …