Tuesday , June 9 2026
Curlee Discaya

Mula sa siyam-buwan detensiyon sa Senado
Curlee Discaya isinuko ng CIDG sa Bulacan

IPINASA sa kaukulang awtoridad ang flood control contractor na si Pacifico “Curlee” Discaya nitong Lunes, 8 Hunyo, kasunod ng pag-isyu ng warrant of arrest ng Malolos City Regional Trial Court (RTC) para sa non-bailable na kasong P53.9 milyong malversation of public funds.

Si Discaya, nakakulong sa Senado simula noong nakaraang taon, ay isinuko sa Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Isinagawa sa Senado ang proseso ng booking, kabilang ang health checkup, fingerprinting, at pagkuha ng mugshots.

Nakasuot ng kulay kahel na uniporme ng detenido, naka-arm sling, at naka-cast ang kanang braso ni Discaya dahil sa katatapos na medical procedure, kaya hindi nakaposas.

Sa opisyal na detensiyon, umabot na sa siyam ang naaresto mula sa 11 indibiduwal na sinampahan ng kasong malversation of public funds, kabilang ang asawa ni Discaya na si Sarah, na naunang nakakulong sa Lapu-Lapu, Cebu.

Sa 11 akusado, sinabi ni CIDG Deputy Director for Administration P/Col. Ranie Hachuela, dalawang respondents pa ang nananatiling nakalalaya.

Nagsampa ang Office of the Ombudsman noong nakaraang linggo ng mga reklamong graft at malversation laban sa mag-asawang Discaya, gayundin sa walong opisyal at tauhan ng DPWH, dahil sa maanomalyang flood control project sa Calumpit, Bulacan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

MTRCB

MTRCB nakatanggap ng ika-pitong magkasunod na Unmodified Opinion mula COA

HARD TALKni Pilar Mateo MULING kinilala ng Commission on Audit (COA) ang mahusay na pamamahalang pampinansiyal ng Movie …

Northern Police District, NPD

1,279 pulis ng NPD kasado na sa pagbubukas ng klase

KASADO na ang pulisya ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CaMaNaVa) na nasasakupan ng Northern …

Arrest Posas Handcuff

Lolo huli sa rape

ARESTADO ang 61-anyos lolo na wanted sa kaso ng panggagahasa sa isang menor de edad …

DepEd Students

DepEd: 26 milyong estudyante, balik-eskuwela ngayon

NASA 26 milyong mag-aaral ang inaasahang magbabalik-eskuwela ngayong Lunes, 8 Hunyo, para sa School Year …

Pinoy Bugsy Ceferino Perry Mariano

Suspects, anim lahat
UTAK, GUNMAN NA PUMASLANG SA PINOY BUGSY TUKOY NA NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN TINIYAK ng Quezon City Police District (QCPD) na hawak na ng pulisya …