MATABIL
ni John Fontanilla
KUMALAT kamakailan sa social media ang mga larawan ni Cassy Legaspi habang nagbabakasyon sa Siargao na may kasamang isang guwapong foreigner.
Kaya naman nag-one plus one agad ang netizens at inakalang iyon ang boyfriend ng Sparkle GMA Artist Center actress.
Sa interview kay Cassy ni Nelson Canlas sa GMA News 24 Oras ay nilinaw ni Cassy na kaibigan lang niya ang foreigner.
Ayon pa kay Cassy, marami silang magkakaibigang pumunta sa Siargao that time.
First time ni Cassy sa nabanggit na lugar.
“I’m willing to hit all the tourist spots sa Siargao because, again, I love Siargao. Sabi ko, ‘Ano gagawin natin dito?’ ‘Skateboard tayo,’ ‘Okay, ikaw muna,’ so my friend skateboarded first.
“Ako, sabi ko, ‘Sige upo muna ako’ and my friend sat beside me and I didn’t know na-picture-an and na-video-han kami,” at natawa si Cassy.
“And then eventually it was blown out of proportion na dyowa ko siya or something, and honestly we just laughed about it kasi he’s just my friend.”
Sinabi pa ni Cassy na single siya ngayon at walang karelasyon.
Nakatakdang mapanood si Cassy sa upcoming series na Whispers from Heaven.
Pagbibidahan ito ni Bea Alonzo na tampok din sina Tom Rodriguez, Maricar Reyes, Sean Lucas, Eunice Lagusad, Vanessa Peña at marami pang iba.
Heavy drama ang kuwento pero masaya at magaan ang samahan nila sa set.
“Okay, ‘yung conflict and ‘yung drama, sa story lang po ‘yun, ha? Pero sa set complete opposite. Parang every time magka-cut siya, okay, back to being light tawanan, ganoon.”
Samantala, kuwento naman ni Sean na kakaiba ang kanyang papel sa serye kompara sa mga dati niyang ginagawa.
“Very different po sa usual na I do hosting. ‘Yung past roles ko is very comedic talaga, siguro ito it’s more serious,” ani Sean na host din sa The People Have Spoken with Heart Evangelista.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com