MATABIL
ni John Fontanilla
SOBRANG nalungkot si Lea Salonga sa pagkamatay ng iconoc singer at Grammy Award winning artist, Peabo Bryson.
June 2 ay pumanaw ang mahusay na singer sa edad na 75 sa Marietta, Georgia, Atlanta, US ilang araw matapos ma-stroke.
Nag-post ng mensahe si Lea sa social media bilang pagdadalamhati at pakikiramay sa mga naulila ng R&B award-winning singer
“Fly with the angels, friend. Rest in peace and power,” ang socmed post ng international Pinay OG Disney Princess at award-winning Broadway superstar.
Matagal nang close sina Lea at Peabo na malaki ang paghanga sa Pinay/ International theater actress.
Si Peabo rin ang pumili kay Lea para maka-duet sa awiting How Wonderful We Are at muli silang nag-duet sa The King & I para sa movie soundtrack na I Have Dreamed.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com