Monday , June 8 2026
Sipat Mat Vicencio

Peke ang Blue Ribbon Committee hearing ni Matet

SIPAT
ni Mat Vicencio

“HINDI na po ako papayag na mag-hearing-hiringan kayo riyan, and I will have you arrested. I promise, kahit senador ka, kahit ilang taon ka na sa Senado, try me. I don’t care kung dati kang Senate President, dati kang Speaker of the House… talagang papahuli kita.”

        “Bibitbitin kita, kukuwelyohan kita, palalayasin kita d’yan sa floor because I am the legitimate Blue Ribbon Chairman!”

Ito ang bantang binitiwan ni Senator Erwin Tulfo kay Senator Alan Peter Cayetano matapos isagawa ang isang ‘hearing’ ng Blue Ribbon Committee at pagsalang ng 18 ‘bagmen’ na sinasabing nag-deliver ng mga maletang naglalaman ng milyon-milyong perang suhol sa ilang mambabatas.

Sa ngayon, ang grupo ni Senator Win Gatchalian at ang grupo ni Alan ay patuloy ang bangayan kung sino ang kikilalaning tunay at legal na mamumuno ng Senado.

Pero ang grupo ni Win ang kinikilala ng marami na lehitimong lider ng Senado nang mahalal bilang acting Senate President sa isang session matapos makabuo ng quorum ang minority bloc na nilahukan ni Senator Chiz Escudero.

Sa kasalukuyan, ang grupo ni Win ay meron kabuuang 12 senador samantalang ang grupo ni Alan ay 10 senador lamang. Si Senator Jinggoy Estrada ay nakakulong na naman at si Senator Ronald “Bato” dela Rosa ay kasalukuyang TNT o Tago nang Tago.

Pormal na kinikilala ng Malacañang at ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang grupo ni Win na lehitimong namumuno at nagpapatakbo ng Senado.

Haharap din ang House prosecution panel kay Win bilang pinuno ng Senado sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ang BRC ‘hearing’ na nangyari nitong Huwebes sa pangunguna ni Alan ay peke o bogus dahil sa kawalan ng Senate official record. Ang ‘hearing’ ay walang staff, sekretarya at stenographer na nagtatala ng mga pangyayari o kaganapan sa Senado.

At maituturing din na isang forum o gathering lamang ang naganap na BRC ‘hearing’ ni Alan.

Sabi nga ni Erwin kay Alan…“Palakulin mo man ‘yung mukha nun, baka tatalbog lang ‘yung palakol… pardon my french… sa sobrang kapal na mukha niya!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Editorial

Senado ipungsoy senators pausukan

MARAMI ang nagsasabing dapat ipa-feng-shui ang gusali ng Senado at ‘yung mga senador naman pausukan …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tulog na batas sa Senado, ‘wag isisi sa bagong liderato

AKSYON AGADni Almar Danguilan PAANO na ang mamamayang Filipino? Paano na ang mga nakabinbing batas …

Editorial

Senadong nagpapanggap na malaya

WALA naman sigurong kokontra kay Senate President Alan Peter Cayetano nang igiit niyang kailangang protektahan …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Panggigipit sa Senado, panggigipit kay Juan dela Cruz

AKSYON AGADni Almar Danguilan KAKAIBA ang Senado ngayon, magulo dahil lumalabas o unti-unti nang nabubuko …

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …