BINIGYANG-DIIN ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) sa mga government offices, banko, financial institutions, at private establishments na dapat kilalanin at tanggapin ang digital National Senior Citizens ID (NSCID) bilang balidong pagkakakilanlan sa mga transaksiyon ng mga nakatatanda.
Sinabi sa NCSC, mahalagang kilalanin ang digital IDs upang patuloy na makuha ng senior citizens ang kanilang mga discounts, value-added tax (VAT) exemptions, at iba pang prebilehiyo na ipinagkakaloob ng pamahalaan alinsunod sa batas.
“We call on all institutions and establishments to accept the digital NSCID in accordance with the law, similar to other government IDs available through the eGovPH App,” pahayag ni NCSC chairperson at CEO Ma. Merceditas Gutierrez.
“The digital National Senior Citizens ID is an official and legitimate government-issued identification designed to make services more accessible and convenient for our senior citizens,” aniya.
Makukuha ang digital NSCID sa pamamagitan ng eGovPH app. Sa paggamit nito, maaaring makakuha ang mga senior citizens ng 20% discount at VAT exemption sa gamot, pagkain, transportasyon, at iba pang covered goods and services, alinsunod sa NCSC Public Advisory No. 1, series of 2026.
Maaari rin itong ipakita sa pag-access ng government assistance programs, benefits, at priority accommodations sa parehong public at private establishments. Dagdag rito, magagamit ang digital NSCID sa mga banko at financial transactions kung kinakailangan ang senior citizen ID.
Ani Gutierrez, ang malawakang pagkilala sa digital ID ay malaking hakbang upang maiwasan ang diskriminasyon at ang hindi maayos na pagkakaloob ng benepisyo sa mga nakatatanda.
“By shifting from physical IDs to a secure, app-based solution, the initiative minimizes bureaucratic hurdles, enhances service delivery, and reduces dependency on physical documentation,” paliwanag ng NCSC.
Sa rekord nitong Abril 2026, mahigit 1.3 milyong senior citizens na ang may access sa kanilang digital NSCID sa pamamagitan ng eGovPH app.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com