Friday , June 12 2026
NBI

3 Aliens, 14 Pinoy arestado sa love scamming, crypto fraud operation

TATLONG dayuhan at 14 Filipino ang nasakote ng National Bureau of Investigation – Special Action Unit (NBI-SAU) sa pagsalakay sa isang nagpapanggap na center office ngunit gamit sa “Love Scamming Activities”, “Pig Butchering”, at “Cryptocurrency Investment Fraud” sa arañaque City, iniulat nitong Martes.

Sa ulat, nabatid na noong 15 Mayo 2026, sinalakay ang ikatlong palapag ng isang gusali sa Multinational Village, kasabay ng pagsisilbi ng Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD) na inisyu ng Parañaque Regional Trial Court (RTC).

Dinatnan ng mga operatiba ang tila call center na setup na binubuo ng maraming computer workstation, mobile phone, internet router, at iba pang digital device sa isang silid at sa hiwalay na silid naman ay narekober ang computer na may naka-install na “AI SWAP 2” application — ang teknolohiya ng deepfake na kayang palitan ang mukha ng modelo sa love scamming.

Huli sa akto ang 17 suspek na aktibong gumagamit ng mga computer system at communication device noong panahon ng pagsalakay.

Sa forensic examination ng NBI-Digital Forensic Laboratory natukoy na mga dayuhan ang target biktimahin lalo na ang mga nakabase sa Estados Unidos, Bangkok, at ilang bansa sa Europa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bam Aquino

Bam Aquino pinaiimbestigahan mabagal na paglulunsad ng P67-B pondo sa pagtatayo ng silid-aralan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAGBALIK bilang tagapangulo ng Senate Committee on Basic Education si Senador …

PSC Pato Gregorio Ateneo Student Athletes

PSC, sports stakeholders nagkaisa sa mga reporma kasunod ng trahedya sa Ateneo student-athletes

PINASASALAMATAN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Commission on Higher Education (CHED), Department of Education …

Supreme Court 125th Anniversary NHCP

SC Unveils Historical Marker, Plaque for 125th Anniversary

MANILA, Philippines — The Supreme Court of the Philippines officially unveiled a historical marker from …

Nartatez PNP

Higit pa sa pagpapatupad ng batas: Pananagutan, serbisyo, at resulta sa ilalim ng PNP

ANG tiwala ng publiko ay hindi nabubuo sa pamamagitan ng mga islogan. Unti-unti itong pinaghihirapan …

National Confederation of Labor NCL Pingkian

Politika, midya, at mga suliraning sosyal ng mga ordinaryong mamamayan

ni TEDDY BRUL DESMAYADO nang talaga ang publiko sa mga balitang nangingibabaw sa mga online …