KAMPO HENERAL PACIANO RIZAL — Isamg patay na sanggol ang natagapuan sa tangke ng inodoro sa comfort room ng isang restaurant, nitong 4 Nobyembre 2026 sa Nagcarlan, Laguna.
Personal na nag-ulat sa himpilan ng pulisya ang saksi sa pagkakadiskubre ng isang patay na sanggol sa loob ng isang comfort room sa Barangay Poblacion 3, Nagcarlan, Laguna.
Sa inisyal na imbestigasyon na isinagawa ng tanggapang ng Nagcarlan MPS dakong 11:05 ng umaga, nabatid na ang waitress ay nagsasagawa ng mga regular na tungkulin malapit sa lugar ng comfort room ng restaurant nang makarinig ng mahinang tunog na kahawig ng impit na sigaw ng isang sanggol mula sa loob ng CR.
Dahil sa kakaibang tunog, agad pumasok ang waitress sa comfort room para siyasatin ang lugar.
Nang makitang walang tao sa loob ng staff comfort room, tiningnan niya ang mga sanitary fixture at tinanggal ang takip ng toilet ceramic water tank (cistern).
Sa loob ng tangke ng tubig, natuklasan niya ang katawan ng isang bagong silang na sanggol na nakalubog sa tubig.
Sa agarang pagmamasid, ang sanggol ay hindi nagpakita ng mga palatandaan ng paggalaw o paghinga. Agad inalerto ng waitress ang management ng restaurant.
Iniulat ang insidente dakong 2:25 ng hapon, habang nakikipag-ugnayan ang Nagcarlan MPS sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at Muncipal Health Office (MHO) para sa disposisyon ng bangkay ng sanggol, na kalaunan ay dinala sa punerarya.
Patuloy ang operasyon at pagsasagawa ng verification sa CCTV footage para sa posibleng pagkakakilanlan ng ina ng sanggol. (BOY PALATINO)
