Thursday , June 11 2026
Senate PNP Police

Unang araw bilang Impeachment Court
900 PLUS PULIS ITINALAGA SA BISINIDAD NG SENADO

MAHIGIT 900 kagawad ng Philippine National Police (PNP) ang itinalaga upang magbantay sa bisinidad ng Senado sa unang araw ng pagpupulong bilang impeachment court nitong Lunes, 18 Mayo, ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) spokesperson PMaj. Hazel Asilo.

Kasama sa puwersang nakabantay sa seguridad ng Senado ang Civil Disturbance Management Unit (CDMU) at mga miyembro ng Explosive Ordnance at K9 units — na ilang oras bago ang itinakdang plenary session ay nakitang umiikot sa session hall, sa mga tanggapan sa 2nd floor ng Senate Building.

Nanatili ang barbed wires na na nakainstila sa mga gate ng Senado, na inilagay noong lumutang muli, makalipas ang anim na buwan, si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa plenaryo noong nakaraang Lunes, 11 Mayo.

Kabilang ang Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) sa ilang raliyista na nagpiket sa labas ng Senado para manawagang patalsikin si Vice President Sara Duterte at pakinggan ng mga senador ang kahilingan ng publiko para sa katotohanan, hustisya, at pananagutan.

Binatikos sa protesta ang pamumuno ni Senate President Alan Peter Cayetano at iginiit ang agarang pag-aresto kay Dela Rosa na sinasabing tumakas sa kabila ng protective custody ng Senado.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DPWH Bulacan

Sa maanomalyang flood control projects  
2 Bulacan DPWH Officials sumuko kalaboso na kasama ni Discaya

ni MICKA BAUTISTA DALAWA pang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan …

061026 Hataw Frontpage

Pagkalunod sa Aurora kinukuwestiyon ng ina
2 ATENEO STUDENT-ATHLETES PATAY SA TEAM BLDG ACTIVITY

HATAW News Team DALAWANG mahuhusay na basketbolista ng Ateneo de Manila University (AdMU) Men’s Basketball …

MMDA Gabriel Go

MMDA pinalalakas ang clearing operations sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila

TINALAKAY ni MMDA Special Operations Group (SOG) Chief Gabriel Go ang patuloy na pagpapatupad ng …

arrest, posas, fingerprints

5 ‘Gen Z boys’ timbog sa pangmomolestiya ng Columbian tourist

LIMANG kalalakihan ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa pangmomolestiya sa isang turistang Colombian national, …

TNVS driver binaril ng pasahero

TNVS driver hinoldap, binoga ng pasahero 

BIGONG makauwi sa kanyang pamilya ang isang Transport Network Vehicle Service (TNVS) driver nang holdapin …