I-FLEX
ni Jun Nardo
NASAKSIHAN ni Dina Bonnevie ang pagkakasakit and later on, pagpanaw ng asawa niyang si DV Savellano noong isang taon.
Kaya naman sa interview ng ilang media kay Dina, ipinahayag niyang wala sa agenda niya ang magkaroon ng bagong pag-ibig.
“Hindi ko iniiisip ‘yan. Masakit pa rin kasi ang pagkawala ng asawa ko. Wala sa agenda ko ang pag-ibig, Ang magmahal, oo dahil may mga anak ako. Pero ang umibig muli, hindi muna ngayon.
“Eh kung may ibibigay ang Diyos, why not? Not now,” rason ni Dina.
Katatapos lang gawin ni Dina ang Prime Original series na Love Is Never Gone na roon lang mapapanood.
Kasama niya sa series bukod kina Ivana Alawi at Joshua Garcia sina JM Ibarra at Fyang Smith.
“Ang galing ni Fyang. Baby Shrimpee ang tawag ko sa kanya kasi mahilig sa shrimp. But she’s a good actress,” sey ni Dina.
Nakilala rin ni Dina si JM. Pero may make-up siyang dark at may hair extension, kaya nadugyutan siya.
“But sa taping ng ‘House of D,’ guest si Fyang at ipinakilala niya sa akin si JM! Napaka-guwapo pala ni JM! May kinalaman sa make up niya kaya ganoon ang hitsura nang una kong makita!” rason ni Dina.
Ngayong May 8 eh dalawang episodes na lang ang ilalabas mamayang 12 midnight.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com