Wednesday , June 24 2026
Dina Bonnevie Fyang Smith JM Ibarra Danica Sotto

Dinah ayaw na ng bagong pag-ibig

I-FLEX
ni Jun Nardo

NASAKSIHAN ni Dina Bonnevie ang pagkakasakit and later on, pagpanaw ng asawa niyang si DV Savellano noong isang taon.

Kaya naman sa interview ng ilang media kay Dina, ipinahayag niyang wala sa agenda niya ang magkaroon ng bagong pag-ibig.

Hindi ko iniiisip ‘yan. Masakit pa rin kasi ang pagkawala ng asawa ko. Wala sa agenda ko ang pag-ibig, Ang magmahal, oo dahil may mga anak ako. Pero ang umibig muli, hindi muna ngayon.

“Eh kung may ibibigay ang Diyos, why not? Not now,” rason ni Dina.

Katatapos lang gawin  ni Dina ang Prime Original series na Love Is Never Gone na roon lang mapapanood.

Kasama niya sa series bukod kina Ivana Alawi at Joshua Garcia sina JM Ibarra at Fyang Smith.

Ang galing ni Fyang. Baby Shrimpee ang tawag ko sa kanya kasi mahilig sa shrimp. But she’s a good actress,” sey ni Dina.

Nakilala rin ni Dina si JM. Pero may make-up siyang dark at may hair extension, kaya nadugyutan siya.

But sa taping ng ‘House of D,’ guest si Fyang at ipinakilala niya sa akin si JM! Napaka-guwapo pala ni JM! May kinalaman sa make up niya kaya ganoon ang hitsura nang una kong makita!” rason ni Dina.

Ngayong May 8 eh dalawang episodes na lang ang ilalabas mamayang 12 midnight.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …