Leviste, 5 pa sinampahan ng kaso ng DOE sa DOJ
INIREKLAMO ni Energy Secretary Sharon Garin sa Department of Justice (DOJ) nitong Miyerkoles si Batangas 1st District Rep. Leandro Antonio Leviste at limang kapwa opisyal ng Solar Para sa Bayan Corporation (SPSB/SPBC) kaugnay ng kanilang prangkisa sa renewable energy sources sa bansa.
Sa kanyang complaint-affidavit, pinangalanan ni Garin bilang respondent sina Leviste, chairman, preident, chief executive officer, at director ng SPSB/SPBC; at iba pang mga direktor ng korporasyon na sina Antonio C. Legarda Sr., Benjamin C. Legarda, Antonio B. Legarda Jr., Irma C. Flaminiano, at Hazel Iris P. Lafuerto na siyang corporate secretary at treasurer.
Tahasang sinabi ng DOE na wala silang natanggap na kahit anong klase ng aplikasyon para sa permit upang sumunod sa mga kondisyong itinakda sa legislative franchise.
Kabilang sa inaprobahan ng DOE ang mga proyektong impraestruktura kaugnay ng solar energy sa Occidental Mindoro. (30)
NBI patutunayang hindi βset-upβ ang Mabanta arrest Cyber warrant hiniling sa korte
