Thursday , June 4 2026
PUP Main Building nasunog

PUP Main Bldg. nasunog, ilang klase suspendido

NAALARMA ang buong campus ng Polytechnic University of the Philippines (PUP), sa Sta. Mesa, lungsod ng Maynila, matapos tupukin ng apoy ang Main Academic Building nitong Martes ng hapon, 5 Mayo.

Natukoy ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nagmula ang insidente sa isang electrical fire dakong 3:00 ng hapon.

Ayon sa pamunuan ng Pamantasan, idineklarang kontrolado ang sunog at kalaunan ay tuluyang naapula sa parehong araw.

Upang maseguro ang kaligtasan, agad nag-atas ng suspensiyon ng mga klase sa apektadong gusali.

Samantala, inilinaw ng PUP na hindi kabilang sa suspensiyon ang College of Law, College of Human Kinetics (night classes), Laboratory High School & Senior High School, College of Communication, College of Engineering, Institute of Technology, at M.H. Del Pilar Building.

Walang naiulat na nasaktan sa insidente habang patuloy ang pagtataya ng mga awtoridad upang matukoy ang halaga ng natupok sa sunog.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …