I-FLEX
ni Jun Nardo
NAKARAMDAM ng kilabot si Zaijian Jaranilla nang gamitin ang totoong stola ng yumaong si Father Rhoel Gallardo sa shoot ng meta-docu na Seeds of Peace na siya ang gumanap na missionary priest.
“Nangyari ‘yun sa shoot ng oordinahan na siya sa priest. Sa kanya ‘yung stola. Nangilabot ako dahil parang ‘yung espiritu ni Father Rhoel ay pumasok sa katawan ko,” sabi ni Zaijian sa open forum after movie premiere.
Swak na swak nga si Zaijian sa role ng martir na pari na naging mitsa ang buhay upang makaligtas ang kasama niyang hostage ng Abu Sayyaf.
Impressive ang documentation ni direk Rommel Ruiz ng Seeds of Peace na pinagsama ang interviews ng hostages, at iba pang may kinalaman sa buhay ni Father Rhoel.
Nalaman din namin na kaya may letrang H sa pangalan ni Father Rhoel eh para ‘yun sa salitang Hero dahil nawala man ang buhay niya eh marami nama siyang nailigtas
Personal choice ng Gallardo family si Zaijian at ng Claretian Missionaries at sa pamamagitan ni direk Rommel, ang buhay ni Father Rhoel ay mahigit pa sa isang kuwento.
Isang legacy ito na patuloy na magsisilbig inspirasyon at manawagan sa mga tao sa buhay na puno ng pananampalataya, pagmamahal, at totoong katahimikan.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com