Wednesday , June 24 2026
Zaijian Jaranilla Seeds of Peace

Zaijian Jaranilla personal choice ng Gallardo fam bilang Father Rhoel

I-FLEX
ni Jun Nardo

NAKARAMDAM ng kilabot si Zaijian Jaranilla nang gamitin ang totoong stola ng yumaong si Father Rhoel Gallardo sa shoot ng meta-docu na Seeds of Peace na siya ang gumanap na missionary priest.

Nangyari ‘yun sa shoot ng oordinahan na siya sa priest. Sa kanya ‘yung stola. Nangilabot ako dahil parang ‘yung espiritu ni Father Rhoel ay pumasok sa katawan ko,” sabi ni Zaijian sa open forum after movie premiere.

Swak na swak nga si Zaijian sa role ng martir na pari na naging mitsa ang buhay upang makaligtas ang kasama  niyang hostage ng Abu Sayyaf.

Impressive ang documentation ni direk Rommel Ruiz ng Seeds of Peace na pinagsama ang interviews ng hostages, at iba pang may kinalaman sa buhay ni Father Rhoel.

Nalaman din namin na kaya may letrang H sa pangalan ni Father Rhoel eh para ‘yun sa salitang Hero dahil nawala man ang buhay niya eh marami nama siyang nailigtas

Personal choice ng Gallardo family si Zaijian at ng Claretian Missionaries at sa pamamagitan ni direk Rommel, ang buhay ni Father Rhoel ay mahigit pa sa isang kuwento.

Isang legacy ito na patuloy na magsisilbig inspirasyon at manawagan sa mga tao sa buhay na puno ng pananampalataya, pagmamahal, at totoong katahimikan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …