SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
UMANI ng papuri mula sa mga senior star ng Love is Never Gone ang galing sa pag-arte ni Fyang Smith.
Punuri nina Michael de Mesa, Dina Bonnevie, at Ara Mina si Fyang. Anang mga ito, kakaiba ang galing na ipinamalas ng batang aktres.
Aniya, hindi malayong maging isa si Fyang sa susunod na big stars sa industriya, lalo’t ramdam na ngayon pa lamang ang kanyang kasikatan.
“Best actresses si Fyang. Magaling siya.
She knows her job, she knows her character—basta magaling siya in general.
“She has a potential to be a really really great actor,” ani Michael sa naganap na mediacon pagkatapos ng screening na ginanap sa Gateway Mall 2.
“Fyang is like my baby girl. Lahat naman ng nagagawa kong series, kapag anak ko, nagiging anak-anakan ko.
“Fyang has a lot to offer. She has a lot to promise her audience. She is a multi-faceted performer.
“Kahit magulo ‘yan before the scene, pero ‘pag alam niyang iiyak siya, tinitingnan ko kung makaka-deliver. But I was amazed that she was able to deliver.
“So sa mind ko, magaling itong bulilit na ito,” buong pagmamalaki namang turing ni Dina kay Fyang.
Si Ara, na may espesyal na partisipasyon sa proyekto ay nagpahayag ng paghanga sa kakayahan ni Fyang na maghatid ng mga emosyonal na eksena, lalo na ang kanyang likas na talento sa mga eksenang umiiyak.
Pinagbibidahan nina Joshua Garcia at Ivana Alawi, ang Love is Never Gone, ang unang Filipino series na kinunan sa Morocco na mapapanood sa Prime Video simula Mayo 8 (Biyernes).
Si Joshua si Teo, isang mekaniko at breadwinner na lumipad sa Morocco para maging OFW. Magugulo ang buhay ni Teo nang komprontahin niya si Yana (Ivana), isang miyembro ng ilegal na grupo, matapos niyang nakawin ang kanyang wallet na ginawa lamang upang matustusan ang pagpapagamot sa inang may sakit.
Mauuwi sa isang delikadong pag-iibigan ang kanilang pagtatagpo sa pag-aakala ni Teo na pinagtaksilan siya ni Yana kaya siya nakulong. Makalipas ang ilang taon at sa pag-uwi ni Teo sa Maynila, muli niyang makikita si Yana pero ibang katauhan na ang gamit niya.
Tampok din sa serye sina Jameson Blake, Jane Oineza, Michael de Mesa, Epy Quizon, at Dina Bonnevie, kasama sina Fyang Smith, JM Ibarra, JC Alcantara, Rans Rifol, Kiko Matos, Argel Saycon, Heart Ramos, Alex Medina, Benj Manalo, Carlo San Juan, at may special participation sina Ara at Irma Adlawan.
Idinirehe nina Manny Palo at Jojo Saguin, at sa ilalim ng produksiyon ng Dreamscape Entertainment na nasa likod ng ilang mga hit series ng ABS-CBN tulad ng Linlang, Saving Grace, Dirty Linen, atThe Alibi.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com