ARESTADO ang dalawang puganteng hinihinalang nagbibiyahe ng mga mga puslit na sigarilyong hindi binubuwisan sa magkahiwalay na operasyon sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija nitong Martes, 5 Mayo.
Dinakip ng mga operatiba ng warrant of arrest para sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ng Cabanatuan CPS ang isang 42-anyos lalaking mula sa Quezon City, nakatalang provincial most wanted person rank no. 3 at city level rank no. 5.
Nauna rito, isa pang operasyon ang humantong sa pag-aresto sa isang 21-anyos babae sa Brgy. Bantug Norte, sa parehong lungsod, na nakatala bilang city most wanted person rank no. 6, sa krimeng pagnanakaw.
Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant or arrest na inisyu ng Cabanatuan City RTC Branch 86.
Nasabat din ng mobile patrollers ng Cabanatuan CPS na nagsagawa ng Checkpoint/Oplan Sita sa Brgy. San Isidro, sa lungsod, ang isang sasakyang may dalang mga sigarilyong hindi binubuwisan.
Inaresto ang 42-anyos negosyante matapos matuklasan ng mga awtoridad ang limang kahon at 80 reams ng sigarilyo na walang tax stamp.
Inihahanda na ang mga kaukulang kasong paglabag sa National Internal Revenue Code at RA 10643 laban sa suspek.
Ayon kay P/Col. Ritchie Claravall, provincial director ng Nueva Ecija PPO, nanatili silang nakatuon sa pagtataguyod ng batas at pagprotekta sa publiko at ang kanilang pinaigting na operasyon laban sa wanted persons at mga ilegal na aktibidad ay magpapatuloy nang buong lakas, alinsunod sa gabay ni P/BGen. Jess Mendez, regional director ng PRO3. (MICKA BAUTISTA)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com