NASAKOTE sa ikinasang manhunt operation ng mga awtoridad ang isang lalaking sangkot sa dalawang bilang ng kasong statutory rape sa lungsod ng Meycauayan, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 5 Mayo.
Sa ulat ni P/Lt. Col. Jordan Santiago, hepe ng Marilao MPS, kay OIC PNP Provincial Director P/Col. Jay Baybayan, kinilala ang suspek na si alyas Gani, 28 anyos, garbage collector, residente sa Tibagan, Brgy. Prenza, Marilao kung saan siya naaresto.
Base sa paunang imbestigasyon, ganap na 10:00 ng umaga nitong Lunes, 4 Mayo, nang isilbi ang warrant of arrest laban sa suspek na inisyu ni Presiding Judge Elenita N.E. Macatangay-Alviar ng Meycauayan City RTC Branch 121.
Nabatid na may dalawang bilang ng kasong statutory rape ang suspek na walang inirekomendang piyansa habang tig-P120,000 ang itinakdang piyansa sa bawat bilang para sa tatlong kasong Rape by Sexual Assault.
Matapos ang pag-aresto, agad na isinailalim sa dokumentasyon ang akusado para sa tamang disposisyon at turnover sa hukuman na naglabas ng warrant.
Kasalukuyang nakadetine ang suspek sa Marilao MPS Jail. (MICKA BAUTISTA)
