Wednesday , June 24 2026
Ashtine Olviga

 Ashtine Olviga deadma sa bashing, blessings sunod-sunod

I-FLEX
ni Jun Nardo

COUNTING her blessings na lang ang ginagawa ng Nation’s Mutya na si Ashtine Olviga kaysa mga negatibong bagay na ibinabato sa kanya.

Multi-talented si Ashtine dahil marunong kumanta, sumayaw, at umarte. Naging malaking tulong sa career niya ang maka-loveteam si Andres Muhlach.

Eh kahit nga pinaghiwalay na sila ng Viva, wala kang maririnig na masamang salita kay Ashtine tungkol kay Andres kahit nali-link sa isang Kai Montinola.

Hindi ko po iniisip ang ganyan. Ginagawa ko lang ang trabaho at walang dahilan para ma-insecure o affected ako kay Kai.

“Love lang po and I don’t want to dwell sa mga ganyan. Happy lang tayo dapat!” rason ni Ashtine sa launching ng kanyang coming milestones sa career.

Kalalabas lang ng bagong single ni Ashtine na Love Like U na daang libo na ang streaming.

By August 22, 2026, ang major concert niyang Love Like Ashtine ang aabngan ng tao. Sa birthday naman niya sa May 17 eh, babyahe siya sa ibang bansa kasama ng magulang at kapatid.

Then kalalabas lang ng kanyang scent na Dear Ash.

So, dasurv ni Ashtine kung maging solo artist na siya dahil kaysa maging nega eh pawang positibong pananaw ang nasa utak niya!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …