Wednesday , June 24 2026
Miss Universe China

Makasaysayang pagbisita ng Miss Universe China sa Pilipinas: Isang maningning na karanasan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

KASAYSAYAN ang maglalahad sa karanasan ng Miss Universe China sa Philippine pageantry sa kanilang opisyal na pagbisita sa Pilipinas para maunawaan ang masigla at kilalang pageant culture ng bansa.

Kilala bilang isa sa mga pinaka-maimpluensiya at pinakamalakas sa pageant scene, malugod na tinanggap ng Miss Universe Philippines ang National Director ng Miss Universe China na si Owen Chue at si Miss Universe Asia 2025 Zhao Na ng may mabuting pakikitungo. Ang delegasyon ay sinamahan sa isang makabuluhang pagtuklas ng mga pagpapalitang kultural at malaking pagpapahalaga sa pamana, tradisyon, at turismo ng Pilipinas.

On behalf of the Miss Universe China organization, I would like to extend my warmest welcome and sincere gratitude to all the friends who always support us,” sambit ni Owen Chue, Miss Universe China’s National Director.

Mula nang maitatag ang Miss Universe China noong 2023, naglakbay na ang grupo sa iba’t ibang bansa at inihayag ang kanyang realisasyon tungkol dito.

It’s not about the travel but it’s about spreading love, charity, and the mission of the Miss Universe,” pagbabahagi ni Owen Chue.

Sa press conference, ipinarating ni Queenie, mula sa China Organization ng Miss Universe ang paghanga gayundin ang pag-asa sa magandang turingan ng Tsina at Pilipinas para sa Miss Universe.

Let us join hands to enjoy this global beauty, ensuring that the beautiful friendship between China and the Philippines shines brightly on the world stage. I am confident that this mutual exchange will proceed smoothly and I look forward to more in-depth cooperation in the future,” saad ni Queenie.

Samantala, ipinahayag ni Miss Universe Asia 2025, Zhao Na ang kaligayahan at paghanga sa pagbisita niya sa Pilipinas.

I have always admired the Philippines for its excellence and passion for pageantry,” wika ni Zhao Na 

Ang mga pinakamahalagang panauhin mula Miss Universe China ay naging bahagi ng coronation night ng Miss Universe Philippines noong Mayo 2, 2026. Ito ang nagpa-angat sa mala-pistang pagdiriwang ng Miss Universe Philippines ngayong taon, na magiging isang napakahalaga at kahanga-hangang kaganapan para sa parehong organisasyon

Ang pagbisita ng Miss Universe China sa Pilipinas ay nagbibigay diin sa interes ng organisasyon na maranasan at maunawaan mismo ang kultura ng pageant sa bansa na nagpapakita ng strong production value, passionate audience, at world-class candidates. Higit pa rito, pinagtitibay nito ang ugnayan ng mga international pageant communities, na ipinagdiriwang ang ibinabahaging halaga ng kagandahan, kapatiran, empowerment, at kultura sa pandaigdigang tanghalan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …