Thursday , June 4 2026
Bless Virginia Evelyn Medina Korina

Bless naisakatuparan pagrampa, paglabas sa TV, at korona

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

PANGARAP lamang dati ni Bless Virginia Evelyn Medina, 10, ang makarampa sa isang fashion show, ang lumabas sa TV, at ang magkaroon ng korona. At sa loob ng isang taon ay natupad lahat ang mga hiling ng musmos niyang puso. 

Si Bless ay mula sa Isabela at itinanghal na Grand Winner sa katatapos na Kids of The World 2026 (Junior Category) na ginanap sa Bali, Indonesia. 

Ang Kids of the World ay isang taunang kompetisyon para sa mga bata na  ipinakikita  ang kanilang ganda, talino, at talento. 

Bukod sa pagiging grand winner sa kanyang category na kinoronahan siya, nakuha rin ni Bless ang Best in Talent Award, Top Model Award, at People’s Choice Award. 

Pagbalik ni Bless ng Pilipinas ay agad siyang nagkaroon ng chance na ma-interview ni Atty Karen Jimeno sa show nito sa Bilyonaryo News Channel. Sinundan iyon ng isang tv appearance sa Kada Umaga ng Net 25 na ang hosts ay sina Pia Guano at Daiana Meneses

Pero ang pinaka-exciting na part para kay Bless ay nang makaharap niya si Korina Sanchez sa Face 2 Face with Ate Koring nang mag-guest siya sa TV5.  Na-star struck daw siya dahil dati ay sa TV lang niya nakikita si Korina tapos nakaharap niya kaya lubos ang pasasalamat ng bagets dahil maraming magagandang bagay na nangyari sa kanya. 

Si Bless ay incoming Grade 5 at kaka-celebrate lang ng kanyang 10th birthday. Science ang favorite subject, pero mas malapit sa performing arts ang kanyang puso. Gusto niyang maging artista, katunayan nag-a-acting workshop siya ngayon. Kaya after the title and the crown, showbiz naman ang next goal ni Bless. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …