SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
KASAYSAYAN ang maglalahad sa karanasan ng Miss Universe China sa Philippine pageantry sa kanilang opisyal na pagbisita sa Pilipinas para maunawaan ang masigla at kilalang pageant culture ng bansa.
Kilala bilang isa sa mga pinaka-maimpluensiya at pinakamalakas sa pageant scene, malugod na tinanggap ng Miss Universe Philippines ang National Director ng Miss Universe China na si Owen Chue at si Miss Universe Asia 2025 Zhao Na ng may mabuting pakikitungo. Ang delegasyon ay sinamahan sa isang makabuluhang pagtuklas ng mga pagpapalitang kultural at malaking pagpapahalaga sa pamana, tradisyon, at turismo ng Pilipinas.
“On behalf of the Miss Universe China organization, I would like to extend my warmest welcome and sincere gratitude to all the friends who always support us,” sambit ni Owen Chue, Miss Universe China’s National Director.
Mula nang maitatag ang Miss Universe China noong 2023, naglakbay na ang grupo sa iba’t ibang bansa at inihayag ang kanyang realisasyon tungkol dito.
“It’s not about the travel but it’s about spreading love, charity, and the mission of the Miss Universe,” pagbabahagi ni Owen Chue.
Sa press conference, ipinarating ni Queenie, mula sa China Organization ng Miss Universe ang paghanga gayundin ang pag-asa sa magandang turingan ng Tsina at Pilipinas para sa Miss Universe.
“Let us join hands to enjoy this global beauty, ensuring that the beautiful friendship between China and the Philippines shines brightly on the world stage. I am confident that this mutual exchange will proceed smoothly and I look forward to more in-depth cooperation in the future,” saad ni Queenie.
Samantala, ipinahayag ni Miss Universe Asia 2025, Zhao Na ang kaligayahan at paghanga sa pagbisita niya sa Pilipinas.
“I have always admired the Philippines for its excellence and passion for pageantry,” wika ni Zhao Na.
Ang mga pinakamahalagang panauhin mula Miss Universe China ay naging bahagi ng coronation night ng Miss Universe Philippines noong Mayo 2, 2026. Ito ang nagpa-angat sa mala-pistang pagdiriwang ng Miss Universe Philippines ngayong taon, na magiging isang napakahalaga at kahanga-hangang kaganapan para sa parehong organisasyon
Ang pagbisita ng Miss Universe China sa Pilipinas ay nagbibigay diin sa interes ng organisasyon na maranasan at maunawaan mismo ang kultura ng pageant sa bansa na nagpapakita ng strong production value, passionate audience, at world-class candidates. Higit pa rito, pinagtitibay nito ang ugnayan ng mga international pageant communities, na ipinagdiriwang ang ibinabahaging halaga ng kagandahan, kapatiran, empowerment, at kultura sa pandaigdigang tanghalan.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com