Ralph de Leon Miss Universe PH

Ralph de Leon pinuri hosting sa Miss Universe PH

I-FLEX
ni Jun Nardo

UMANI ng papuri ang hosting ng PBB alumnus na si Ralph de Leon na nagkaroon ng technical problem sa microphone sa hosting niya sa katatapos na Miss Universe PH.

Sa naglabasang video, paulit-ulit ang ginawa niyang introduction sa final walk ni Miss UPH na si Atisha Manalo.

Sa isang banda naman, may mga basher ang host ng pageant na si Marina Summers! Pero ipinagtanggol naman siya ni KaladKaren.

Anyway, ang 2026 Miss Universe PH ay ang Miss La Union na si Bea Millan Windorski na lalaban sa Miss Universe pageant sa Puerto Rico.