OPISYAL na inilunsad ng Sun Pharmaceutical Industries—ang ikaapat na pinakamalaking specialty generic pharmaceutical company sa mundo—ang kanilangPrimary Care Divisionsa Pilipinas kasabay ng pagpapasinaya ng kanilang CaRMeLin Portfolio, na isang komprehensibong hanay ng gamot para sa Cardiometabolic, Renal, Liver, at Alimentary care.
Dinaluhan ang scientific launch event ng ilan sa mga nangungunang Key Opinion Leaders sa bansa pagdating sa larangan ng internal medicine, cardiology, endocrinology, nephrology, at primary care—kaya’t maituturing itong isa sa pinakamahalagang medical gatherings ngayong taon. Isa rin itong milestone para sa pormal na pagpasok ng Sun Pharma sa pinakamalaking bahagi ng healthcare sector sa Pilipinas.
Pinangunahan ni Dr. Raymond R. Townsend, propesor sa University of Pennsylvania at kilalang eksperto sa hypertension at chronic kidney disease, sa pamamagitan ng isang keynote lecture ang programa.
Bilang Scientific Chair, binigyang-diin naman ni Dr. Gerry H. Tan, isang Mayo Clinic–trained endocrinologist at kilalang eksperto sa diabetes at metabolic medicine sa Asya, ang kahalagahan ng paglulunsad.
“As the world’s fourth-largest specialty generic company, Sun Pharma’s launch in the Philippines sets a new benchmark in manufacturing excellence and strengthens the country’s supply security for affordable specialty generics. In critical fields like mine — diabetes and endocrinology — where precision and bioequivalence are non-negotiable, this is a true game-changer for Filipino patients.”
Ang Sun Pharma ay may presensya sa mahigit 100 bansa, na suportado ng mahigit 45 FDA at EMA–approved manufacturing facilities. May malalim din itong expertise sa iba’t ibang larangan tulad ng cardiology, endocrinology, neurology, psychiatry, gastroenterology,at oncology.
Ibig sabihin, ang bawat produktong inilalabas sa Pilipinas ay pasado sa mahigpit na international standards sa kalidad at kaligtasan.
Ang CaRMeLin Portfolio ay nag-aalok ng de-kalidad at globally benchmarked na generics na tutugon sa kakulangan sa access sa medikasyon—lalo na sa hypertension, diabetes, sakit sa atay, at mga problema sa digestion.
Mayroon din itong mga gamot na bioequivalent at therapeutically equivalent molecules, na inaasahang magiging unang generic options sa kani-kanilang kategorya.
Matagal nang napatunayan na ang generics ay kasing-epektibo at ligtas tulad ng original medicines. Ang dedikasyon ng Sun Pharma sa kalidad,tiyak makaaasa ang mga Filipino sa abot-kaya at accessible na gamutan.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com