Thursday , June 4 2026
Joshua Garcia Ivana Alawi

Ivana bumigay kay Joshua, mapupusok na halikan makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

SUSUGAL na sina Joshua Garcia at Ivana Alawi sa mapangahas na pag-ibig para sa kanilang unang tambalan sa inaabangang romance-suspense serye ng ABS-CBN na Love is Never Gone, ang unang Filipino series na kinunan sa Morocco na mapapanood sa Prime Video simula Mayo 8 (Biyernes).

Mapupusok na halikan at makapigil-hiningang mga eksena ang handog nina Joshua at Ivana sa serye tampok ang magagandang tanawin ng Morocco. 

Gaganap si Joshua bilang si Teo, isang mekaniko at breadwinner na lumipad sa Morocco para maging OFW. Magugulo ang buhay ni Teo nang komprontahin niya si Yana (Ivana), isang miyembro ng ilegal na grupo, matapos nitong nakawin ang wallet na ginawa lamang para matustusan ang pagpapagamot sa inang may sakit. 

Mauuwi sa isang delikadong pag-iibigan ang kanilang pagtatagpo sa pag-aakala ni Teo na pinagtaksilan siya ni Yana kaya siya nakulong. Makalipas ang ilang taon at sa pag-uwi ni Teo sa Maynila, muli niyang makikita si Yana pero ibang katauhan na ang gamit nito.

Sa pagpasok nila sa isang mundong puno ng krimen at paghihiganti, matutuklasan ni Teo ang isang mabigat na sakripisyo na inilihim ni Yana na muling susubok sa kanilang pag-iibigan sa kabila ng matinding pagtataksil.

Tampok sa Love is Never Gone sina Jameson Blake, Jane Oineza, Michael De Mesa, Epy Quizon, at Dina Bonnevie, kasama sina Fyang Smith, JM Ibarra, JC Alcantara, Rans Rifol, Kiko Matos, Argel Saycon, Heart Ramos, Alex Medina, Benj Manalo, Carlo San Juan, at may special participation sina Ara Mina at Irma Adlawan.

Mula ito sa direksiyon nina Manny Palo at Jojo Saguin, at sa ilalim ng produksiyon ng Dreamscape Entertainment na nasa likod ng ilang mga hit series ng ABS-CBN tulad ng Linlang, Saving Grace, Dirty Linen, at The Alibi.

Huwag palampasin ang matitinding tagpo sa ngalan ng pag-ibig sa Love is Never Gone, na eksklusibong mapapanood sa Prime Video simula Mayo 8.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …