Saturday , July 4 2026
Dead Road Accident

Sa Casiguran, Aurora
4 sugatan sa banggaan ng habal-habal, tricycle

SUGATAN ang apat na indibiduwal sa insidente ng banggaan ng isang tricycle at habal-habal sa bayan ng Casiguran, lalawigan ng Aurora, nitong Linggo, 19 Abril.

Batay sa kuha ng video ng vlogger na si Tambay Promax Vlog, makikita ang matinding salpukan kung saan tumilapon ang driver ng habal-habal, habang naipit ang driver ng tricycle kasama ang sakay nito sa likurang bahagi.

Sa inisyal na imbestigasyon, mabilis na umaandar ang habal-habal (kolong-kolong) sa paakyat at kurbadang bahagi ng highway dahilan upang mawalan ng kontrol ang driver hanggang sumalpok sa kasalubong na tricycle.

Sugatan ang driver at sakay ng habal-habal at ang dalawa sa mga lulan ng tricycle ang nasugatan, kabilang ang isang matandang babae.

Agad na nagresponde ang mga tauhan ng Casiguran MPS, katuwang ang mga motorista at bystander sa lugar upang tulungan ang mga biktima.

Mabilis na isinugod sa ospital lulan ng mobile patrol ng pulisya ang mga sugatan para sa agarang pagbibigay ng atensiyong medikal.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries at damage to property ang driver ng habal-habal.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa insidente. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Goitia

Goitia: May kaakibat na pananagutan ang bawat karapatan

HINDI bagyo. Hindi sunog. Hindi rin pambansang sakuna. Ngunit halos huminto ang Metro Manila dahil …

Fire

Sa Nueva Ecija
Palengke nasunog P17-M pinsala naitala

UMABOT sa ikatlong alarma bago tuluyang naapula ng mga bombero ang sunog na tumupok sa …

Baler Aurora illegal logging

Sa Aurora
Abandonadong tabla mula sa illegal logging nasamsam

NAREKOBER ng mga awtoridad ang mga iniwang mga tabla mula sa ilegal na pagtotroso sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Sta. Maria, Bulacan
Inginuso ng nagmamalasakit wanted na rapist arestado

NADAKIP ng mga awtoridad dahil sa isang tip mula sa isang nagmamalasakit na mamamayan ang …

Sa Taguig City Pansamantalang silungan ng mga nasunugan giniba ng private demolition team

Sa Taguig City
Pansamantalang silungan ng mga nasunugan giniba ng private demolition team

MULING hinarap ng mga pamilyang nawalan ng tahanan nang tupukin ng matinding sunog noong nakaraang …